http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179
Tuesday, November 11, 2008
Pakwela ng "Dyosa"
Some weeks ago, sinikap kong sumulat ng isang nagkukunwaring seryosong essay tungkol sa fantaseryeng "Dyosa" ng ABS-CBN. Ang tesis kuning ay ang filipinisasyon ng mito ayon sa mga karakter dito. Kasi nga nandiyan si Sinukuan, Bernardo Carpio, Magayon, na mga karakter sa mitong Pampango at Bicol, pati ang pag-angkin ng mga karakter sa mitong Griyego, tulad nina Bacchus, Adonis, Diana, Mars, etc. Nag-imbento din ito ng mga bagong karakter tulad nina Amang Suga, Salaminsim, Barracuda, throw in Bruhita na minsan ay funny naman.
Hindi ko natapos ang essay na yon, dahil nga super naman sumingit ang ibang trabaho, pero OK na rin dahil nitong huli ay halatang chinuchurva na lang ng mga writers ang iskrip nito. Feel mo bang enter the dragon ang karakter ni PS o Pearly Shell na ginawa ng komedyanteng si Chockoleit. Cross-over ito mula sa mas naunang fantaseryeng "Marina" na hindi ko naman nasundan.
Sa episode ngayong linggo, kailangang buhayin muli ang nag-sleeping byuting si Barracuda/Kulas na under the spell ni Diana. Ang tanging nakakaalam ng solusyon, ayon kay Tandang Menela, ang pinakagurang na kataw o sirena, ay si PS na nakatira sa Atlantis. Kakatuwa ang pag-uusap nitong mga karakters sa ilalim ng dagat dahil ang communication nila ay sa pamagitan ng mind-reading. Hindi bumubuka ang kanilang mga labi (syempre dahil malulunod sila), kundi naririnig lang natin ang kanilang mga thoughts. Sana nilagyan na lang nila ng clouds angay sa komiks; komiks naman ang materyal nila, kundi may inter-media pa.
Anyways, kagabi si Mars ang nagvolunteer na humanap kay PS. Bakit kaya nakashorts pa si Zanjoe? Bakit di nalang nakatrunks? Ang pangit yata tingnan ang maluwag na shorts na lumulutang-lutang. Pula pa, parang ang cheap tingnan. Alam mo yong pumunta sa swimming party na walang dalang proper attire kaya napilitang mag-rent dun sa resort? Parang ganun si Zanjoe Marudo sa episode na ito. May kulintas pa siyang mga sigay, kaya para siyang sasayaw ng Pearly Shells. Pero yung sigay necklace pala ay GPRS at camera para makikita ng mga kataw ang eksena nila ni PS.
Itong si PS daw ang pinakamatalinong nilalang sa balat ng kamatis at alam niya ang kasagutan sa lahat ng tanong. Kaya lang may ex-deal palagi, at minsan ay buhay ang katumbas. O, exciting di ba. So, nang magkita sila ni Mars, e syempre, kinilig ang baklitang PS sa kamachohan ni Zanjoe. Ang kapalit sa sagot ay isang halik, na naging dalawa pa. Matanggap mo bang kahalikan ni Zanjoe si Chockoleit? Di ba dapat ako yun? So, nalusotan ni Zanjoe ang hamon dahil nakapikit ang kilig na kilig na PS na wisnowang na kalansay pala ang kahalikan niya. May word of honor naman ang syoke, at ang magic words daw para mabuhay muli sa Baraccuda ay: "Mini-mini my ni Moe." Syeeeet!
Samantala si Adonis naman ay im na im dahil hindi siya makapunta sa ilalim ng dagat. Weakness kasi ng Kasamiang ito ang waterlily. Nagpagawa siya ng orasyon sa aliping si Bruhita, at at orasyon ay: "Minikaniko ni Monico ang minica ni Monica." Syeeet na malagkit. E siyempre bulol si Sam Milby kaya di niya keri.
By now, knows na natin na pinaglalaruan na lang ng writers ang "Dyosa" para mapalawid ito. wala nang nangyayari kundi mga kalokohan ng karakters. Ito ay para mabibili pa ang mga merchandise ng Dyosa na kalalabas lang sa merkado. Nagdalawang isip akong bumili ng dolls ng Dyosa Cielo at Dyosa Agua noong nasa Bacolod ako. Mukhang cheap material kasi ang ginagamit, hindi Mattel. At gusto ko pati Dyosa Tierra ay kasama. Pag-iisipan ko pang mabuti kung babagay ba ang mga manikang ito sa koleksyon ni Datu Lubay.
Meanwhile, nag-eenjoy pa rin akong manood ng pakwela ng "Dyosa."
Labels:
abs-cbn,
dyosa,
fantaserye,
pop culture,
sam milby,
teleserye,
zanjoe marudo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment