http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Sunday, November 23, 2008

Si Bitoy sa "Larawan"


Nasa third year hayskul pa lang ako nang napanood ko ang dulang "Larawan," na pinalabas sa ngayon ay dilapidated nang Little Theater sa UP Visayas sa Molo, Iloilo City. Ito yata ang pinakaunang professionally produced play na napanood ko. Ang opening scene nito ay ang monolog ni Bitoy Camacho na siyang pinakaintroduksyon ng dula.

Pagkatapos kong napanood iyon ay sinabi ko sa sarili kong gusto ko ring mag-artista sa entablado. Dito yata nagsimula ang pagkagulo ng isip ko kung anong karera ang gusto ko at anong kurso ang kunin ko sa kolehiyo. Ilang beses kong binasa ang iskrip ng larawan, at read aloud ko ang mga linya ni Bitoy. Well, for some time, naging artista ako sa mangilan-ngilang dula, pero never bilang si Bitoy. Ngayon 42 na ako.

Kagabi ko lang nakilala iyong Bitoy Camacho na pumukaw ng aking pag-ibig sa entablado. Si Dennis Marasigan pala iyon. Kung hindi pa kami nag-chikahan ni Dennis pagkatapos ng nakakapagod na 2-day workshop sa Orchid Gardens, hindi ko pa nalaman.

Napag-usapan tuloy namin ni Dennis ang Antique ayon sa naalala niya noong 1983. Nagside-trip sila sa Antique noon, bago ang palabas ng "Larawan" sa Iloilo. Si Behn Cervantes, na siyang direktor ay konsultant ng dulang "Hantik-i" ni Bernie Salcedo. Cast ako sa dulang iyon. Isa sa mga direktor si Susan Macabuag, na kaibigan ni Behn Cervantes. Kaya nainvolve si Behn sa produksiyong iyon. Kaya nagside-trip ang cast ng "Larawan" sa Antique, at nag-judge ng beauty contest sina Susan Valdes, Barbara Perez, Rez Cortes, atbp.

Sabi ni Dennis, napakalayo ng nilakbay nila mula Iloilo noon. Lubak-lubak ang daan. May stop over pa daw sa bundok, bago ang pagbaba sa mga bayan ng Antique. Well, two hours na lang ngayon ang biyahe, aspaltado na ang daan except sa mga nasira ng bagyo; baka sa Tiolas ang stop-over. May scenic view ito ng dagat.

Binirayan Festival noon, at say ni Dennis first time daw siyang nakakita ng street-dancing. Baka ang sinasabi niya ay Ati-ati, dahil may kumpetisyon noon ng ati-ati. Doon daw sila pinatulog sa ospital, na nakapagtataka dahil kokonti ang tao doon. Baka sa payward sila pinatulog. Ang karamihan sa charity ward. Ang mga may pera sa Antique sa Iloilo nagpapagamot. Pero kakaibang strategy ito ng hosting guests for Binirayan. Ganito pala noon. Kasi nga wala pang mga hotel sa Antique noon. May Rizalitos Hotel, pero baka nagtipid lang talaga si Gov. Ike Zaldivar noon. Ngayon, malaki ang ginagastos ng Binirayan Foundation para sa mga VIP tuwing Binirayan. Bakit nga pala hindi gawin muli ito. Province naman ang may-ari ng ospital, bakit hindi gamitin ang mga bakanteng private rooms para sa ibang guests? Suggest ko nga.

Ang mga stars naman daw ay pinatulog sa Binirayan Guest House. May swimming pool sa likod nito, at one time daw na nagsuswiming sila, nagulat na lang sila sa dami ng nagsulputang mga taong nanonood sa kanila. Bigla daw naconscious si Susan Valdez na nakaswim suit at nagsa-sunbathing. Naglaro daw sila ng kuning-kuning na water hockey at di nagtagal may mga fans na silang nag-cheer at napalakpakan.

May pinuntahan daw silang party sa Hamtic, by the beach. It turned out reunion party ng mga Pacificador iyon. At ang feeling naman nila, dahil family affair at outsider sila, para silang mga circus animals na dinala doon for show and for free lunch. hahaha. Ganyan talaga ang strategy para makatipid. Ibig sabihin, in good terms pa ang mga Zaldivar at mga Pacificador noon. Governor si Ike Zaldivar, assemblyman si Turing Pacificador at nasa iisang partidong KBL lang sila. Nung 1984, nagbago ang lahat ng ito, dahil sa Pangpang massacre. Namatay ang mga paryente ni Zaldivar, suspek naman nito si Pacificador. Kaya may alam din si Dennis sa politika sa Antique.

Kinse anyos pa lang ako noon nang napanood ko si Dennis Marasigan sa dulang "Larawan." Kaya kami nakapanood dahil treat iyon sa amin ni Gov. Ike Zaldivar pagkatapos ng pagtatanghal ng "Hantik-i" sa Binirayan. Nagsponsor din siguro siya dun, bilang kapalit ng pagpunta ng mga artista sa Binirayan Festival. Star-studded pala ang Binirayan 1983.


No comments: