http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Wednesday, November 12, 2008

D'end na ang "Iisa pa lamang"

So kaka naman kasi kung kelan pa last week na ng melodramang "Iisa pa lamang" ng ABS-CBN, na swak na swak talaga sa lifestory ko (char!), saka naman nag-Muscovado at Adobo festival sa Silay City at nagpatawag ng writeshop si Gardy Labad sa Bohol. Kaya imbes na manood ako ng last week episode ay nakikidinner kami kay Tita Inday sa Sugarland Hotel (na masarap naman, at totoo po, wiz char!) sa Bacolod, o nakikichica kay Cecile Locsin Nava at nakikinig sa Humanities 101 lecture niya sa bahay niya (ipinagluto kasi kami ng masarap na pasta at salad, na chika niya'y ginamit niyang ingredients ang kung anik-anik lang ang na nakita niya sa ref niya kasi bumaha sa Bacolod that day na dumaan si Typhoon Quinta). Nang nasa Bohol naman kami'y nagpipreview ng dula ng isang theater collective sa Maribojoc at nagmimiting hanggang maduling sa antok at pagod. Bernadette talaga, dahil pagdating sa hotel namin, halos matatapos na ang "Kahit Isang Saglit."

Pero nung Byernes, last night na ng "Iisa pa lamang" sinadya kong umalis sa miting para abutan ang last episode ng melodrama ni Claudine Barreto. Iyun yung eksenang naghahanduraw na lang siya ng nakaraan, saka naman dumating si Rafael. Bumitiw pala si Rafael from being congressman at para mamuhay nang payapa, habang hinahanap si Catherine. Nang magkita na sila isang gabi ng kapaskuhan, ganito ang dayalog nila:

Rafael: Sa wakas, maligaya ako't nahanap din kita.
Catherine: Ako rin, nahanap ko na ang sarili ko.

O parang ganun. Ang nangyari pala, natsugi si Diether Ocampo/Miguel dahil nabaril nga ni Isadora, kaya siya ang naging donor ng puso ni Catherine. In short puso ni Miguel ang tumitibok sa ilalim ng voluptuous boobs ni Catherine. Ang ending, si Miguel at Rafael pala ang tuluyang magmamahalan. Cheng!

Subverted na kabadingan pala ang "Iisa pa lamang." Hindi natahimik itong mga taong naghahabulan at naghahanap ng kanilang puwang sa buhay at pag-ibig dahil hindi pala puso ni Catherine ang pinag-aagawan, naghahanap lang ng paraan kung paanong ang puso nina Miguel at Rafael ang mapag-isa. Diva?

May kumbensiyong ganito sa mga sinaunang epiko ng Panay. May mga karakter na hindi matsutsugi dahil ang kanilang mga puso'y nakatago sa kung saan-saan. Si Saragnayan itinago ang puso sa baboy damo. May isa din na itinago ang kasingkasing sa isang isda. Kailang mahanap muna ang baboy damo o isda bago masakop sila. Siyempre subliminal lahat ito. Kaya pala hindi magkatuloy-tuloyan sina Miguel at Catherine at Rafael at Catherine dahil hindi sila ang nasa equation (using their hearts as the variable x, of course!). Dahil Miguel = Rafael pala ang tamang equation. Jongga diva mga sisters?

Medium lang talaga si Catherine dito para maisakatuparan ang kabaklaang umiiral sa dalawang bidang lalaki. Kaya naman baklang-bakla ang postura ni Catherine sa bawat eksena. Alalahanin yung dayalog niya sa swimming pool habang naka-diamong necklace pa. At ang wardrobe niya throughout ay pangrampa talaga. Hitsura ng bading na kaka-out lang.

Kaek-ekan ko lang ang reading na itetch. Mas masaya kasi. Pero kung maging kumbensiyonal tayo sa pagbabasa, napaka-Katoliko ng moralidad na pinaiiral ng "Iisa pa lamang." Lahat ng mga tauhan ay simbolo ng mga karakter sa pasyon ni Hesus. Syempre si Catherine ang simbolo ng Birheng Maria/Katoliko, na kailangang tanggapin lahat ang sakripisyo dahil may kasulhayang naghihintay sa ending. At ang pangakong kasulhayan na katumbas ng salvation ay isang napakabait at gwapong lalaki - si Rafael/Gabby (na sa tunay na buhay ay napakaraming babae, diva?). Si Miguel ay si Hudas Escariote. Ipinagbili niya ang kanyang pagmamahal kay Catherine at ipinalit kay Scarlet, pero sa huli siya ay sising-sisi at kailangan niyang mamatay. Kinakatawan niya ang Hubris. Hindi siya maaring maging hero dito dahil isa siyang weakling, pushover, tinutulak-tulak ng kanyang madir na si Isadora. Si Isadora naman ang kumakatawan kay Satanas, ang archnemesis ng kabutihang kinakatawan ni Catherine. Kaya siya pinasabog, hindi na nakahintay na makarating sa mga kamay ng Hustisya, because she doesn't deserve it at all. Napakasama niya para hintayin pa ng hustisya. Si Scarlet/Angelica Panganiban naman si Magdalena. Maldita siya at masama, pero nagkaroon ng redemption dahil sa pagsisisi at pagbago ng landas.

Buti na lang at natapos na ito. Mababawasan ang kinababaliwan kong mga teleserye sa gabi. Kung bakit kasi isiningit pa ang Pinoy Fear Factor e. Sana "Kahit Isang Saglit" na pagkatapos ng "Betty La Fea," para mas maaga akong matutulog.

No comments: