http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179
Monday, November 17, 2008
Love is death is love
Hindi pala simpleng love story na pa-cute itong "My Only U" ng Star Cinema, starring Toni Gonzaga at Vhong Navarro. Well, pa-cute pa rin siya, pero may redeeming value naman. Kasi kakaiba. Kasi, imbes na about love ito, about death pala.
At iyon lang ang bago dito. Karamihan sa pelikulang Pinoy na love story ay happy ending. Kasi naman, dapat maging masaya tayo. Kung kamatayan naman sa ending, yung tipong tragedy, tipong "Hihintayin kita sa langit...." na tipong "Wuthering Heights." E kasi naman adaptation nga pala iyun. Ano ba? Have I seen enough of Pinoy movies to say this?
Well, going back kay mareng Toni at pareng Vhong.... Or kay Manding Cathy Garcia Molina na director nila (kasi nga director's hand talaga ang makikita natin dito, si Toni at Vhong nagpa-cute lang talaga), ang bago sa ginawa nila ay to treat the subject of death in a light, although not necessarily flippant manner. Hindi common sa ating mga Pinoy ito, diva? Kasi pag death na iiyak na lahat, gurahab na si Vangie Labalan, dadapa pa sa kabaong, with super tears, etc. May iyakan din sina Toni at Vhong, pero lalo silang nagiging maganda at gwapo dito.
Ganito kasi ang storya: May taning na daw ang buhay ni iyay Toni. In-love naman si Vhong sa kanya, kaya gagawin niya ang lahat para lumigaya si Toni habang nasa mundong ibabaw pa. Kung pwede pang i-delay ang appointment kay Kamatayan, gagawin niya. It turns out false alarm itetch kasi maling lab results ang naibigay ng lab (siguro mas maganda ang pelikulang tungkol sa mga pabayang laboratory at hospital). Ang trulili pala si Vhong ang dying. Nang malaman ni Toni, nagpakasal na sila para masaya. On the way to their honeymoon, nadisgrasya sila. So magkasama na sila ever after sa kabilang buhay. Morbid, diva?
Pero hindi. Kakatuwa siya. Hindi mo pag-iisipang malungkot ang mamatayan ng minamahal. Baka nga maging uso pa ang lovers na magpapakamatay to prove that their love is till death together forever. To see death in this way, fresh yun in the context of Pinoy cinema, of course. Marealize natin, na kung mahal natin ang isang tao, dapat tanggapin natin na hindi forever ito, dahil sooner or later, mahihiwalay din tayo sa kanya or sa kanila kung marami tayong mahal. Kaya ang importante talaga ay magmahalan habang buhay pa kayo pareho. Paligayahin mo ang love mo, kasi pag tsugi na ang isa sa inyo, iba na iyon. At hindi tayo matatakot na mawala ang taong mahal natin, kasi minahal na nga natin, walang nasayang na sandali. Pero kung gusto mo talagang kasama pa rin siya, mamatay ka na rin. May pagka-existentialist ang worldview nito. Huwag na lang nating pag-usapan ang existensialism. Di ko keri ngayon.
Kwelang-kwela ang mga eksena dito, pero para sa akin halos "conceit" na ng direktor ang paggawa nito. Marami kasing pinaglalaruan lang talaga for its own sake kasi kwela. Halimbawa, ang eksenang naglalaro ng taguan-pung ang buong neighborhood pagdating ni Vhong. Masaya yun, pero kebs? Oo, kunwari mis en scene yun sa condition ng mag-irog, at sinusuport ang ideyang tatay ni Toni (Dennis Padilla) na bulag pa ang "nakakita" ng pagmamahal ni Vhong kay Toni, pero ang buong neighborhood ba naman nagtataguan sa oras na dapat nagtatrabaho ang mga tao para may kita sila, noh!. Iyung ideya na si Benjie Paras ay multong sinugo para sunduin si Toni/Vhong ay ilang beses nang ginawa ng Hollywood (sa Brad Pitt movie ba?). Kwela din ito. Iyung eksenang nagmumuni-muni si Vhong throughout the seasons was witty, pero homage kaya sa Crouching Tiger ek-ek vang yun, o sa Kill Bill? Lalo na yung snow effect. Kung sa bagay kahit poster pa lang na sinampay sina Vhong at Toni mukhang fresh idea, pero naalala ko ang isang painting ni Frida Kahlo na ganito. Wala namang kinalaman ito sa pelikula. Magandang poster lang talaga. Suspetsa ko din na may pinagkunan ang ending nito. Maganda lang ang last scene dahil Pinoy na Pinoy: puting jeepney ang sumundo sa mga kaluluwa.
Bilang pelikulang Pinoy, siyempre kailangan kumpletos rekados para sa masang mag-eenjoy nito. Sina Kitkat at Empoy ay magbabatokan palagi habang nagpapalitan ng punchline, katulad ng ginagawa ni Pogo at Togo, or Dolphy at Panchito. Si Arlene Mulach ang pumalit kay Ike Lozada. At si Janus del Prado bilang Nyork ang ngongo na katawa-tawa. Mga sidekick lang sila, kasama ng buong cast na nakatira sa compound na kasali sa mga production numbers.
Kaenjoy-enjoy naman talaga ang pelikulang ito. Naiyak ako sa discovery ni Toni. Pag naiyak ako sa isang pelikula, alam kong maganda ito. Pero 3 stars lang ito.
Labels:
My only u,
star cinema,
toni gonzaga,
vhong navarro
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment