Mukhang masyado nang kumplikado ang plot ng "Kahit Isang Saglit." Wala nang patutunguhan. Nalaman na natin na si Eunice pala ay ni-rape ni Anthony Mondragon, kaya junanak pala ni Anthony si Garrie.
Nalaman na ni Rocky na tatay ni Garrie ang lalaking nagpapanggap na Mr. Mendes. Alam na rin nating si Gen. Anthony Mondragon ang suporter ng drug syndicate, pero nangingibabaw pa rin ang respeto ni Rocky sa ninong niya.
Para matanggal ang duda ni Rocky sa tatay ng love niya, sinugo ni Ronaldo/Amihan si Mrs. Barbara Reyes na ituro ang libingan ng taong pumatay sa ama ni Rocky. (Ayan simula nang pumapasok ang mga minor karakter na napakasignificant pala ng kanilang mga aksiyon sa twist ng kwento; dito na tayo magsimulang magduda sa mga padihot ng iskrip.) Siyempre super emote si Rocky in front of the grave, at may I paputok pa siya ng baril to dramatize the buhos ng kanyang galit at emosyon. Syempre binanggit niya ang revelationg ito ni Barbara sa ninong niya, at syempre nagtaka naman si General kung anong kaetchosan ito dahil knows niya ang truth kung sinong pumatay sa fadir ni Rocky. Kaya sinugod naman niya si Barbara.
Meanwhile, pauwi na sa Malaysia sina Garrie at Ronaldo, at mamamatay na yata ang madir ng bidang girl. Syempre malaman ito ni General Mondragon at may I book siya ng tiket to Malaysia. Doon na kaya magkukrus ang landas nila ng kanyang arch nemesis na si Ronaldo Dimaandal?
Ibig sabihin nito ay mga scenic spots na naman ng Malaysia ang aasahang makita natin sa mga susunod na kabanata.
At ibig sabihin nito, ang tunay na conflict pala ay between Ronaldo Dimaandal at Anthony Mondragon na minsang nag-agawan sa pagmamahal ni Eunice. Sana man lang mas magandang aktres and pinili para gumanap sa kanya :-(
Ang kwento ni Rocky na isang kwentong paghahanap ng katotohanan (ang pumatay sa kanyang mga magulang) ang motif ay ginamit lamang para bumukas sa tunay na conflict. At syempre ang tunay na bida rito ay ang anti-hero na si Anthony Mondragon. Oo naman, kasi napakamajor aktors nina Christopher de Leon at Albert Martinez kung ikumpara kay Echo. Bottomline, ang tambalang Echo at Carmen Soo ay ginamit lamang para may marketing edge dahil mas bata sila. Hindi pa rin nakaligtas ang "Kahit Isang Saglit" sa komersiyalismo ng ABS-CBN.
Speaking of komersiyalismo, nakikita ba ninyo kung paano ginagamit an ABS-CBN ang mga teleserye para pasayahin ang kanilang mga sponsor? Tingnan ang bawat labas ng Biolink VCO lotion na ini-endorse ni Anne Curtis sa "Dyosa", at ang 4G, isang health and beauty product, na ini-endorse naman ni Bea Alonzo sa "I love Betty La Fea."
Minsang nakaupo si Josephine sa park at nagmumuni-muni sa mga pangyayari sa buhay niya, dumaan naman at tumigil sa likuran niya ang van na may ad ng Biolink, at for a moment, may bakground siya ng produktong ibinibenta niya. Dalawang beses na ring ipinakita na ginamit niya ang produkto - una, pagkatapos niyang maghugas ng mga pinggan, at pangalawa bilang intermission number niya sa trabaho sa opisina. Biglang dumaan ang bossing na si Maricar de Mesa na may kasamang tatlong kliyenteng lalaki, at napatigil sila dahil naamoy nila ang bango ng lotion ni Josephine. Hahahaha.
Sa 4G naman ay walang kawala ang iskrip dahil nga ad agency ang milieu ni Betty La Fea. Kliyente ng Ecomoda ang kumpanyang gumagawa ng 4G. Kaya magsu-shoot sila ng ad kasama si Bea Alonzo. At si Betty mismo ay umiinom ng 4G bago matulog. Ilang segundo ring babad na babad ang sample ng produkto, kung hindi pa ito overkill.
Kaya minsan halatang pinaglalaruan na lang ng production team ang mga teleserye, dahil siguro sa kawalan na ng materyal at kailangan pang pahabain ito. By now, wala nang magandang nangyayari sa "Dyosa" kundi maglaro ng lokohan ang mga bida. Pati skrip yata ay kanya-kanyang adlib na at pakwela.
Ang buong tema ng "Betty La Fea" ay tungkol sa komersiyalismo mismo: ang pagkahilig ni Betty sa ukay-ukay, ang trabaho sa ad agency, ang karakter ni Ruffa Guttierez, at ang challenge kay Armando for net profit of 150 million para manatili siyang presidente ng Ecomoda ay puro palatandaan ng komersiyalismo.
No comments:
Post a Comment