
We were in Cebu last weekend for the Lihok Bisaya project. We had a long discussion about the National Artists Awards issue, especially our stand on Cecile Guidote Alvarez. I must admit that until that I was still ambivalent about my personal take on it, but after hearing so many sides by fellow cultural workers, here is my personal stand:
I support Cecile Guidote Alvarez. She deserves to be national artist. I believe she is a genuine servant of the arts. Ang nagawa niya ay hindi lamang para sa kanyang sarili bilang artista, hindi lamang para sa kagandahan, kundi para sa bayan. Kaya kailangang tanggapin niya ang kanyang award.
Hindi issue sa akin ang delicadeza. Ang issue ay hustisya. Sabi nga, “the most injustice is the giving of the undeserved.” Conversely, the most injustice is the un-giving of the deserved. Kaya hindi makatarungan ang ginagawa ng iba, pressuring her to decline the award she so deserves. Kuno abi para sa delicadeza.
Ang delicadeza ay subjective naman. Bakit, wala bang accomplishment si Cecile Guidote Alvarez. Kung tutuusin mas marami pa nga siyang accomplishment kaysa ibang national artists. Kung delicadeza ang usapan, kailangan may delicadeza din yung mga kuno abing righteous na mga national artist; dapat hindi na sila tatanggap ng kanilang 25,000 PHP monthly pension at iba pang benefits gayung ayun sa kanila ay patay na ang national artist awards. Dapat nga ay ibalik na nila ang lahat ng benepisyong nakuha nila kung gusto talaga nilang patunayan na maanomalya at walang katuturan ang Order of National Artists Awards.
Am sure hindi naman pinilit ni Cecile na bigyan siya ng award. Naniniwala ako na may integridad siya para huwag hingiin iyon sa president, o isulat ang kanyang pangalan sa rekomendasyon sa presidente. Nagkataon siguro na may nagnominate sa kanya at gusto ni PGMA, para sa kung ano mang gusto niyang patunayan. Bakit naman tatanggi si Cecile? Ngayon kung mali talaga ang pagkahirang sa kanya bilang alagad ng sining, sisihin nila ang presidente, huwag si Cecile. At lalong huwag ipressure si Cecile na huwag tanggapin ang award for delicadeza’s sake. E di parang si Cecile na rin ang gumawa ng inhustisya sa sarili niya. Kung hindi niya tatanggapin ito ngayon, kelan ba siya gagawaran nito?
Si Carlo J. Caparas naman ay ibang usapin, na dapat pag-usapan sa sariling diskurso. Pero natutuwa ako dito dahil tunay na sampal ito sa mga elitistang national artists. Hahaha. Ang akala ng naghaharing uri sa arts community kasi ay may sarili silang mundo na sila lang ang pwede. Ngayon napasok na kayo ni Carlo J. Para na rin kayong minasaker. Hahahaha.
Sa kabuoan, napapanahon ang nangyari sa national artist awards para iproblematize/idiscourse kung kailangan nga ba talaga natin niyan para ipaalala sa atin ang kadalisayan ng sining na nagtitiglawas ng ating bansa. Baka hindi na. Dahil kung si Cecile Alvarez at marami pang sadyang may ginawa para sa ating bansa ay kapantay lang naman pala ni Carlo J. Caparas, para ano pa?
Nasampal tayo ng katotohanang ang national artist awards pala ay isang konstrak na nagmula lamang sa isang executive order ng presidente. sa madaling sabi, maaring iisang tao lang ang mag-iisip kung sino ang gagawaran niyon, at bakit tayo magpapaniwala? Kung suyurin natin ang mga nagawaran nitong award mula pa noong panahon ni Marcos, sinu-sino ba sa kanila ang talagang deserving nito ayon sa ating kolektibong ideal nito.
Syempre mas marami pang issues na nakapaloob dito. Halimbawa, gaano ba ka makatarungan o equitable na may award ang National Artist na iba pa sa Gawad Manlilikha ng Bayan (Gamaba). Kung ang National Artist daw ay sa fine arts, e ano naman ang Gamaba? Unrefined? Bakit may dichotomy para sa mga artistang kilala (ng naghaharing uri) at di-kilala?
Bakit nag-oobjek ang CCP/mga tao nito sa deklarasyon ng National Artists 2009? Sila lang ba ang inatasan ng pangulo para pumili? O baka inisip lang nila na sila lang ang may karapatang pumili? Hindi kaya may kapangyarihan din ang ibang sangay ng gobyerno na magrekomenda sa presidente? Ang Order of National Artist awards ay pakana lang ni Imelda Marcos noon, nang ang sining at kultura/Cultural Center of the Philippines ay isang elitistang institusyon. Naging Gawad Alagad ng Sining ito noong panahon ni Cory Aquino, sa nais na gawing makamasa ang sining at kultura. Pero mula noon, ang presidente lang ang tanging nagbibigay ng award na ito, ayon sa rekomendasyon ng CCP na isang sangay lamang ng Office of the President.
Mabuti na rin at nakatawag pansin itong kontrobersiya. Marami ang nagulat at nalaman nilang meron palang National Artists. Marami pa ang mas nagulat nang nalaman nilang may premyong malaki pala ang sinumang National Artist, may 200,000 cash sa awarding, kasama na ng 25,000 monthly pension for life, may one million pa for projects, medical benefits, state burial, etc. Kaya rin siguro marami ang nagkukumahog na maging national artist.
Pero sa ngayon, ayon kay Gloria, parehong National Artists sina Cecile Guidote Alvarez at Carlo J. Caparas. Kung may reklamo, si GMA ang bitayin niyo!