http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Sunday, November 23, 2008

Walang wala sa "Walang Kawala"

Nang pinanood ko ang "Walang Kawala" sa Robinson's Ermita noong November 20, sasampu lang kaming bakla sa loob ng sinehan. Bakit kaya ganung isang mega treat sa mga bading ito. Imagine Polo Ravales at Joseph Bitangcol na naglalaplapan, hindi lamang sa isang eksena, kundi mga tatlo o apat pa. Hanggang sa katapusan, kahit in the throes of death na si Polo, sabay sabing "mahal na mahal kita" kay Joseph, ay may kissing scene pa. Sinong bakla ang hindi mag-eenjoy dito?

May frontal nudity pa ang aktor na gumanap na macho dancer na kaibigan ni Waldo (Joseph Bitangcol). Baka ito na nga ang longest frontal nudity sa history ng gay films na napalabas sa sinehan dito sa Pinas. (Somebody make a study.)

Indie daw itong pelikula ni Joel Lamangan, pero mainstream na mainstream ang finish nito. Walang bago o experimental dito. Hindi naman bago ang pelikulang may temang bakla o may hubaran di ba? Ano na ba ang working definition ng indie film? Anyway indie or not, mag-eenjoy pa rin ang bakla sa pelikulang ito.

Love story ito nina Joaquin (Polo Ravales), isang mangingisda, at Waldo na isang high school graduate. Saan may mangingisdang sing gwapo ni Polo? Pupuntahan ko. Ang asawa niya'y dalawang taong nagtrabaho sa Dubai. Nagkadebelopan sila ng kapitbahay na bagets. Mukhang si Waldo ang dead na dead kay Joaquin. Di ba naman lahat tayo'y nag-ilusyong may gwapong binatilyong magkagusto sa atin? Syempre tigang na tigang ang asawa ni Joaquin nang umuwi galing Dubai; titigasan naman ang mga heterong lalaki sa mga eksenang kangkangan dito. Mukhang may gustong lamangan si Lamangan sa paggawa ng mga eksenang ito? Scorpio Nights ba ang naiisip niya? Kaya lang wala nang bago dito. Bongga't kaka-L din ang eksenang kangkangan sa opening scene ng Lalaki sa Parola, I recall, at mas lyrical iyon.

Nang nalaman ni Waldo na nabuntis ang asawa ni Joaquin, naimbyerna siya kaya naglayas. At dito nagsimula ang paghahanap ni Joaquin sa kanyang trulab. Metapora din ito sa kanyang paghahanap ng sarili at pagtanggap ng kanyang sekswalidad. Ang problema, talagang napariwara si Waldo at napunta sa mga kamay ng salbaheng pulis na si Rufo (Emilio Garcia). Kapangalan pa niya ang ex kong may pagkasalbahe nga't nambubugbog pa. Teka, alam ba ni Joel ang kwento ng buhay ko?

Anyway, ipinaglaban nina Joaquin at Waldo ang kanilang pagmamahalan, nakatakas nga sila sa tulong ng traidor na si Beng (Jean Garcia), ang battered wife ni Rufo na sadyang piniling magiging alila ng kasamaan ng asawa. Siya yata ang embodiment ng baklang masokista. In the end, nabaril ni Rufo si Joaquin, nakatakas wi Waldo na siyang nagsumbong ng child-trafficking operations ng sadistang silahis na pulis.

Para magkaroon ng layers at texture ng mga pangyayari sa ating lipunan itong halos imposibleng kwento ng dalawang napakagwapong batang bading, ipinasok ni Lamangan ang mga reportage tungkol sa mga nawawalang tao dahil sa political harrassment na mas nakakatakot kung tawaging desaparecidos. Mukhang hang-over pa ito ni Lamangan sa kangyang pagiging aktor at direktor sa Peta. At para may relevance pa, ay pinilit pa ang isyu ng child-trafficking. May suspetsa akong feeling talaga ni Joel Lamangan ay siya na ang pumalit kay Lino Brocka.

Litaw na litaw din ang mga artifice ng direktor/scriptwriter. Halimbawa, para magkaroon ng lyrical ek-ek ang pelikula, hobby daw ng asawa ni Rufo ang pag-aalaga ng mga isda sa akwaryum. Ito pala ang objective correlative kuning sa mga batang kinikidnap ni Rufo at ibinibenta sa Intsik ng 25T kada ulo. Dahil nga naman gasgas na ang mga ibong kinukulong sa hawla, isda naman ngayon. Pero keri na rin. Metaporikal nga.

Sina Joaquin at Waldo bilang mga bakla ay biktima ng mga mapang-aping institusyon ng lipunan, halimbawa ng batas, kustombre at tradisyon, at ng realidad ng kahirapan. Biktima din sila ng kapwang naapi pero ayaw labanan ang umaapi sa kanila, katulad ng mga baklang tinatanggap na lang na sila'y pagtawanan, gawing gatasan, o alipin ng kanilang lalaki, at walang balak na labanan ito (symbolized by the Beng character).

Mas gusto ko naman ang paggamit ng basketbol bilang metapor kay Waldo. Ganito; ang eksena: kinakabayo ng asawa niyang napakalibog si Joaquin pero walang gana ang lola mo dahil nga iniisip ang naglayas na si Waldo.

Asawa: May problema ba? Wala ka yatang gana.... (to that effect)
Joaquin: (Hindi magsasalita. Camera cuts to Waldo's orang basketball sa sofa.)

Cut to: Morning the next day, galit na galit ang girl dahil nalamang malangsa ang jowa. Like a woman scorned pinalayas niya (na lalayas naman talaga dahil hahanapin si Waldo). Pagbalik niya sa loob ng bahay, nakita ang basketbol. Kinuha ito at tinapon sa dingding. Tinamaan ang kanilang wedding picture; basag ang picture frame. O diva!

Kakael din ang eksenang nakahiga ang lasing na si Waldo, nakabrips lang. Hinipo-hipo ng nagnanasang si Paolo Rivero (ang gumanap ng bading na nag-take home sa bagets from the gay bar) ang notes nito. Utog na utog po ako dun! Ilang seconds yun, at makikitang humuhulma ang notes ni Joseph Bitangcol. (Balita daw sa pagka Dakota Harrison niya! Naospital daw ang isang teen star na kakangs niya?). Mapapanood din ang buong dance number ng mga macho dancer sa gay bar, at ang finale ay nakadipang si Tolits, labas ang bird, na kahit hindi pa matigas ay mahaba na.

Kaya alam ko na kung bakit kokonti ang mga vaklang nanonood sa sinehan. Am sure binabantayan ang DVD nito at panonorin in the confines of their bedroom, dahil mas siguradong mag-eenjoy sila. Am sure kikita sa DVD sales ang nag-iindie-indihang pelikulang ito.

No comments: