Am sure proud tayong lahat kay Charisse Pimpengco, at saludo tayo sa galing niyang kumanta. Recently ay kasali uli siya sa concert na kasama si Rod Stewart at maraming big names sa global music industry, sa isang kaek-ekang nagtitipon ang halos lahat nga ating hinahangaan. Naki-sing-along na siya kay Celine Dione at Andrea Boccelli, nag-guest kay Oprah, at siya ang biggest singing sensation from the great Pinoy republic ngayon. Bow!
Kaya lang, sana naman kung sino man ang handler niya, o adviser kaya, sana gamitin niya ang mga okasyong ito para makakanta rin ng Filipino song, nang marinig naman ng madlang pipol all over the world kung ano ang musikang Pinoy, kulturang Pinoy. Kasi, as it is, puro na lang kanta ni Celine o Mariah ang kinakanta niya, na napakagaling nga naman, at mangiyak-ngiyak ako kung mapanood siya sa TV (O baka kaya ako naiiyak dahil sayang ang pagkakataon). Ang ending, napakagaling niyang copycat. Ayaw naman nating makilalang world-class na copycat, devah. Mas may kabuluhang ipagmamalaki ang suportahan natin si Charisse kung dinadala din niya ang sariling atin to the world. Yan ang truliling essence ng being a world-class Pinoy performer.
Mabuhay!
1 comment:
korek ser. si nanay na guro manager na. :-D
Post a Comment