Ito pala ang leit motif ng "Kahit Isang Saglit" ng ABS-CBN. Ang lahat ng major karakter ay nagmamahal pero hindi bumabalik ang pagmamahal sa kanila, kaya ang pinaka-dillema ng telenovelang ito ay "may pupuntahan kaya itong pagmamahalan nina Rocky at Garrie?"
Kasi ganito: Si Anthony Mondragon (Boyet de Leon) ay nagmahal kay Eunice Hangli (Malaysian actress na hindi ko matandaan ang name), pero ang mahal ni Eunice at nakatuloyan ay si Rolando Dimaandal/Amihan (Albert Martinez). Anak nila si Garrie (Carmen Soo).
Ang asawa ni Gen. Mondragon (Isabel Rivas, di ko matandaan ang name ng karakter niya), ay nagmamahal sa kanya ng todo-todo, pero di feel ni Boyet dahil forever siyang umiibig kay Eunice. Ngayon ang kanilang anak na si Alona (Christine Reyes) ay head over heels tinamaan kay Rocky. Poor girl, kapatid lang ang turing sa kanya ng hunk na ito, dahil ang supermegafirstlove niya ay si Garrie.
Malupit din mag-isip ng komplikadong plot ang mga writers, devah. Kaya exciting at gabi-gabi akong nanonood. To make matters really convoluted, si Rocky ay isang PDEA agent dahil gusto niyang bigyan ng katuturan ang kamatayan ng fadir niya (Noni Buencamino) na isang pulis, napatay dahil sa pagtutugis ng mga druglords. Ngayon may lead siya para madakip ang bigtime drug syndicate, na kinasasangkotan naman ni Amihan na fadir ng kanyang pinakamamahal.
In tonight's episode, ipakikila ni Garrie si Rocky sa kanyang amay. Mikikilala kaya ni Rocky ang tinutugis niyang kriminal, dahil nagpa-aesthetic surgery na ito, natanggal na ang balat sa mukha? Ano ang gagawin ni Rocky kung malaman niyang ang taong tinutugis niya ay beloved amay pala ng babaeng palangga niya to death? O devah, exciting?
Paanong di ka meexcite, e in last nights episode, pinilit ni Boyet de Leon na ninong ni Rocky - si Jericho pala ito, in case di niyo pa nasundan - si Jericho na huwag na muling saktan si Alona pagkatapos nitong lumaklak ng mga pills. Torn na torn si Echo dahil naging pamilya ni niya sina Boyet mula nang naulila siya. Pipiliin ba niya ang pamilya over pag-ibig?
Kaya mas gusto ko itong "Kahit Isang Saglit" dahil mas matalino naman ang pagkasulat at exciting ang mga karakters. At pakyut ng pakyut si Echo at si Carmen Soo. Sana ginawa na lang nilang pelikula ito, para dalawang oras lang.
Di katulad ng "Iisa pa Lamang" na lahat na yata ng sangkap para sa melodrama ay isinahog na. Kakaiba din ang charm nito para sa akin. Megawatch din ako, pero I don't mind standing up to make me a cup of tea habang nagdadayalog si Scarlet at Catherine. Ang problema naman naman sa "Iisa pa Lamang" ay lahat ng karakter may lihim at lahat gustong may sikreto; lahat ng karakter gustong maghiganti. Lahat nang karakter ay over-dressed. Well, ang dalawang bidang babae at mga staff ni congressman Rafael Torralba na lahat naka-coat and tie sa opisina. At ano naman itong headress nina Scarlet at Catherine? Buti na lang wala nang kapa si Laurice Guillen. Si Cherry Pie Picache naman, dinadaan na lang sa galing umarte at hindi sa damit. Si Melissa Ricks, napakaganda ng mukha pero kala mo naman si anhing Julie Vega kung umemote.At ang guwapo ni Matt Evans dito, buti na lang pingupit ang Afro niyang buhok.
No comments:
Post a Comment