http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Thursday, October 16, 2008

Isang gabing rumampa kami sa Greenbelt 5

Two days akong hindi makapanood ng TV sa gabi. Nasa Manila kasi ako. Kahapon rumampa kami nina my friend Marlene sa Greenbelt, kasama ang staff kong si Richard, at mga budding photogs na sina Sansan at Tintin Liao. May group show nga pala ang grupo nilang Diave Images sa Museo Antiqueno sa Oct 24-31, timing naman sa pagbukas ng 2nd Kinaray-a Arts Festival.

Anyways, masaya ang rampa namin sa Greenbelt 5, kahit mega-window shop lang kami ni Richard at sunod-sunod lang sa tatlong richie-richie friends. Dahil shuhalbas ang mga shops doon. Nagpramis kasi si Marlene na siya ang magpapa-dinner sa mamahaling resto. So, lafu kami sa Pia y Damaso sa Greenbelt 5. Gusto sana namin sa Felix, umaasang nandoon ang mga may-aring sina Richard Gomez and Lucy Torres. Pero wisnowang kami sa jografi ng mall, kaya di namin nakita kaagad. Wala pala ito sa loob, kundi sa side, kaharap ng Ayala Museum. Nasagap na lang namin nang tapos na kaming kumain.

In fairness, jongga naman ang Pia y Damaso. Maliit lang at cozy, friendly ang staff. Wala masyadong utaw that night. Huwebes kasi. May dalawang girlalus lang sa kabilang table, at kaming lima sa isang sulok. For starters, umorder kami ng Tubig ni Maria, a refreshing drink of cucumber juice with a slice of orange. Inofer ng weyterlu ang bago sa menu - crisp pork rolls in basil sauce - na lumpia lang namanm, pero winner ang basil sauce. Tinikman din namin ang Lang-lang soup out of curiosity lang naman. Sabi sa menu it's a Binondo favorite, kumbinasyon ng tatlong klaseng noodles - lomi, canton, at sotanghon yata. Medyo maalat ito para sa akin, pero type naman ni Tintin. Sumunod ang Pasta with juicy tinapa, na siyang winner! sa lahat. Ako ang umubos ng order, pagkatapos nilang tumikim. Busog na ako at masaya sa kinain namin pagkatapos ng pasta na yun. May I lagok na lang ng Tubig ni Maria na refill ng refill naman ng weyterlu. Ask ko nga kung may Pawis ni Jose din sila.

Pero hindi pa dumating ang main course namin. Umorder pa si Sansan ng callos, at yung inorder kong Pork in mango juice and spinach rice. Parehong wagi ang mga ito. Lalo na kay Richard na mahilig sa taba ng baboy. Pero bakit ako pa rin ang tumapos nun? Walang bago diyan dahil gourmand kuning ang lola niyo. Masaya ang kwentuhan namin in Kinaray-a, super kalog naman kasi si Marlene.

Imagine, nung rumarampa pa lang kami papunta sa Pia y Damaso, nakasalubong namin si Henry Sy. Syempre wiz ko knows ang tycoon na ito, pero si Marlene mahilig magbasa ng mga who's who, kaya namukhaan niya ang Mr. Sy. Naka-polo barong na blue, at sunod-sunod ng isang julalay na girlalu. Si Marlene naman sobrang enthusiastic yata at smile ever sa bilyonaryo, at dahil mukhang milyonarya naman si amega kahit low-profile lang, pretend naman si Henry na kilala niya at smile sa amin. Nataranta tuloy kami, dahil baka lumapit to strike a conversation. Paano mo ba chichikahin ang No. 1 richest man ng Pinas, ayon sa Forbes Magazine? Di ko keri so may I walk faster kami. Si Henry naman kinakatok ng fingers niya his head, na parang digging deep in the recesses of his rich brain kung saan niya nakilala ang girlalung kasama ko. Lumingon pa siya once with a smile, bago tuluyang nag-walk away from us. Ganun pala ang totoong mayaman, hindi suplado. Sa mind ko naman, baka hindi siya yun, pero sa newspaper today, nandun ang litrato ni Henry Sy, at siya nga yun, naka-blue polo barong din. Dun yata kinuha ang fotong iyon sa Greenbelt kahapon.

For dessert, tinikman namin ang Sisa's Dementia. Pinagtulong-tulongan namin itong isang slice ng uber sa namit na chocolate cake. Di na kami umorder ng iba dahil may balak pa kaming mag-coffee at dessert somewhere else. Si Sansan may date pa with former kaklase sa San Lo.

Dun sa Greenbelt 5, chinek din namin ang shop ni Rafe, at isang Italyanong shop na may napakagandang gown. Buy si Sansan ng shusang sa Bleach Catastrophe, isang avant garde shop ng local designers daw; si Marlene baysung ng blouse sa Promod, na Frenchy Dy naman, at si Tintin happy na with a blouse from Zara. Kami naman ni Richard, masayan nang makasinghot ng amoy ng Greenbelt 5. Dahil pinagkakasya lang namin ang perdiem na bigay ng opisina. Nagnight-cap kami sa Seattle's Best, at doon ako nag-confess tungkol sa break-up namin ng boyfriend kong Thai doon mismo sa coffee shop na yun. Wala nang sakit sa dibdib ko habang kinukwento ko sa kanila, kaya alam kong tapos na ako sa kabanatang iyon. Baka nga gawa-gawa ko lang ang kwentong iyon.

Kaya nga pala kami nasa Manila, at kaya di ko mapanood ang Kahit Isang Saglit mamayang gabi ay dahil magtitinda kami ng mga bandi at bukayo sa lobby ng Cuneta Astrodome. May benefit concert kasi ang mga OKM artists ng Antique, at dahil tipon-tipon ito ng mga kasimanwang Antiqueno, baka type nilang bumili ng mga produkto galing sa Antique. Ako naman isisingit ko lang ang mga libro ko sa pagbebenta. Ces't la vie.

No comments: