http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Saturday, March 28, 2009

Malacanang to Malate

27 Marso 2009. Mahabang araw ito.

Ang hirap palang pumasok sa Malacanang. Sobra ang security. Dapat lang naman. Doon kaya nakatira ang presidente, at marami sigurong gustong tumira sa kanya. Jok lang.

Anyway, may awarding doon ang NCCA, at pinilit ako ni Gov Perez na umatend. Para siguro may papalakpak din sa kanya. Isa siya sa mga awardees for being culture and arts friendly local executive. First time kong pumasok sa Malacanang, kaya excited din ako. At dahil di ko alam kung saan ang seremonya, sinikap kong pumunta nang maaga. Napaaga naman yata masyado. 7.30 AM pa lang, nandun na ang lola niyo, nakabarong pa naman akez.

Well, dahil sobrang aga ko, witness ko kung paano mang-award si Madam Cecile Alvarez dahil di pa pwedeng magpapasok ang mga guardia civil. 9:00 AM pa naman daw ang affair. Wiz nowang naman itong mga sekyu na siyempre pag may affair, more ang dapat asikasuhin before everyone arrives noh. So, ginamit ni Madam Alvarez ang kanyang mouth para takutin silang mga sekyu. In short, she had her way.

Skip na lang natin the gory details, kung paano pinapasok ang sangkaterbang mga performers na wala sa guest list. Aba, di rin pala pwede ang nakamaong at rubber shoes. Tama lang ang desisyon ko na mag-barong ng habing Bagtasun.

Well, star-studded pala ang awarding na yun. Wa si GMA, bagay na disappointed ng konti si Gov Perez. Si Secretary Eduardo Ermita lang kasi ang naggivsung ng mga awards. Maliban sa mga local execs - 20 sila, kaya ang tawag ay Culture 20, mga pinunong malakas ang suporta sa culture and arts program, lalo na sa Kalahi Cultural Caregiving ng NCCA - awardees din ang mga nagniningningang bituin ng sining ng ating bansa. To name some: architect Bobby Manosa, directors Tony Mabesa at Tony Espejo, critic Rosalinda Orosa, sculptor Ramon Orlina, Ed Castrillo, anthropologist Antoon Postma, Mabuhay Singers, German Moreno, at Dolphy. Awardee din si Gov. Vilma Santos ng Batangas, pero wiz appear si Star for All Seasons. Kung nandun siya, baka mas magulo ang event na iyon.

Napakabigat ng tropeyong ginawa ni Pambansang Alagad ng Sining Abdulmari Imao. Aba, sumakit ang left arm ko sa kabitbit nun para kay Gov, kahit mga 20 minutes lang akong julalay kay Lola Gov. Buti na lang gusto niya siya ang mag-uwi nun sa Antique. Kung hindi kakandunging ko pa iyon sa eroplano.

Magandang okasyon din iyon para makitang muli ang mga kaibigan at makakilala ng mga bagong kasamahang manggagawang pangkultura. Si kaibigang Frank Rivera ang emsi, kasama ni Madam Cecile. Nandun din si Yuan Moro, na matagal ko nang hindi nakita. Moro na lang daw siya ngayon. Baka ayaw ng Yuan kasi currency yata yan, at hindi siya mukhang pera. Pormal ko ring nakilala si Mars Cavestany na naglalagi sa Australia. Matagal ko nang naririnig ang kanyang pangalan pero hindi ko pa na-meet. Kaibigan pala sila ni Rey Importante, na taga-Antique din. Nandun din si Rey, at siya pala ang supplier ng mga electrical equipment para sa mga teatro at music halls. Naka-chika ko din habang naghihintay ng simula ng programa si Carla Pambid, na Culture and Arts Officer ng Marikina City, at chika ever kami ni Paeng Pacheco, ang father of finger painting sa bansa. Inimbitahan pa kami sa studio niya sa Morong. Makapag-aral nga ng finger painting. Nandun din si Al Tesoro ng Capiz. Awardee din si Governor Tangco.

Pinakabatang awardee ang batang si Hamsa, 8 anyos lang, pero bongga nang pintor. Nakabenta na ng painting na 60,000 dollars sa auction sa Hongkong. Naluha-luha ang lola niyo habang inaaward siya.

Nagutom ako sa awarding na yun dahil wiz breakfast pa ang lola niyo, napakatagal ng awarding, at hindi rin ako nakakain kahit may lafu pagkatapos. Kasi nga nakipagsosyalan pa sa mga ka-chika ni Inday Sally. Ang ending, marami kaming iimbitahan para sa Binirayan 2009 sa Abril. Life talaga.

From there, tuloy kami sa Clamshell 1 sa Intramuros at dun na nag-lunch. Mapilit kasi si Mars e. Nagkita kami ni Joey Nombres dun. From Clamshell 1, sumirit kami sa UP Diliman for another meeting. Busy talaga noh. Dun kami sa Chocolate Kisses nagkape kasama ni Alan Cabalfin. Later, nagshow-up si Christine Muyco, nagbeso-beso lang kami sa Art Circle Gallery dahil hinahabol pa niyang magsumite ng grades niya. At habang naghihintay ng taxi, swerte namang bumaba si Margot Viola ng jeep. Kaya nagyakapan kaming dalawang maglola. Kay tagal na nga since Teatro Metropolitano days pa, nung ginagawa naming tambayan ang bahay nila ni Heber Bartolome sa Cubao.

Nung gabi na, nagwokawoka kami sa Malate, at nakasalubong namin sina Roel Hoang Manipon at Rey Napenas. Small world talaga. Pupunta si Roel sa Antique para sa Binirayan. Nangako siya. Masayang makitang muli ang mga kaibigan. Matagal mang nawala, dalisay pa rin ang mga yakapan at kamustahan. Sadyang ganyan ang mga totong kaibigan. Nakalimutan ko palang sabihing bago kami gumala sa Malate, nag-chat pa kami nina Ritchie Pagunsan at Peter Solis Nery na parehong nasa US.

Natapos ang araw na ito sa panonood ng concert ni Bamboo sa Roxas Boulevard. Masaya ang araw na ito. Mag-aalas tres na ng umaga nang dalawin ako ng antok.

2 comments:

Janette Toral said...

I was looking for blog entries about Art Circle Gallery and stumbled upon your blog. Na-intriga ako kung ano ang hitsura ng award na yan ah.

I agree sa experience mo na medyo weird ang protocol sa Malacanang. LOL.

Datu Lubay said...

kokodakan ko kung may time na ako at i-post dito. nakadisplay ngayon sa lobby ng capitol. but if you are familiar with imao's art, sarimanok motif pa rin.