27 Marso 2009. Mahabang araw ito.
Ang hirap palang pumasok sa Malacanang. Sobra ang security. Dapat lang naman. Doon kaya nakatira ang presidente, at marami sigurong gustong tumira sa kanya. Jok lang.
Anyway, may awarding doon ang NCCA, at pinilit ako ni Gov Perez na umatend. Para siguro may papalakpak din sa kanya. Isa siya sa mga awardees for being culture and arts friendly local executive. First time kong pumasok sa Malacanang, kaya excited din ako. At dahil di ko alam kung saan ang seremonya, sinikap kong pumunta nang maaga. Napaaga naman yata masyado. 7.30 AM pa lang, nandun na ang lola niyo, nakabarong pa naman akez.
Well, dahil sobrang aga ko, witness ko kung paano mang-award si Madam Cecile Alvarez dahil di pa pwedeng magpapasok ang mga guardia civil. 9:00 AM pa naman daw ang affair. Wiz nowang naman itong mga sekyu na siyempre pag may affair, more ang dapat asikasuhin before everyone arrives noh. So, ginamit ni Madam Alvarez ang kanyang mouth para takutin silang mga sekyu. In short, she had her way.
Skip na lang natin the gory details, kung paano pinapasok ang sangkaterbang mga performers na wala sa guest list. Aba, di rin pala pwede ang nakamaong at rubber shoes. Tama lang ang desisyon ko na mag-barong ng habing Bagtasun.
Well, star-studded pala ang awarding na yun. Wa si GMA, bagay na disappointed ng konti si Gov Perez. Si Secretary Eduardo Ermita lang kasi ang naggivsung ng mga awards. Maliban sa mga local execs - 20 sila, kaya ang tawag ay Culture 20, mga pinunong malakas ang suporta sa culture and arts program, lalo na sa Kalahi Cultural Caregiving ng NCCA - awardees din ang mga nagniningningang bituin ng sining ng ating bansa. To name some: architect Bobby Manosa, directors Tony Mabesa at Tony Espejo, critic Rosalinda Orosa, sculptor Ramon Orlina, Ed Castrillo, anthropologist Antoon Postma, Mabuhay Singers, German Moreno, at Dolphy. Awardee din si Gov. Vilma Santos ng Batangas, pero wiz appear si Star for All Seasons. Kung nandun siya, baka mas magulo ang event na iyon.
Napakabigat ng tropeyong ginawa ni Pambansang Alagad ng Sining Abdulmari Imao. Aba, sumakit ang left arm ko sa kabitbit nun para kay Gov, kahit mga 20 minutes lang akong julalay kay Lola Gov. Buti na lang gusto niya siya ang mag-uwi nun sa Antique. Kung hindi kakandunging ko pa iyon sa eroplano.
Magandang okasyon din iyon para makitang muli ang mga kaibigan at makakilala ng mga bagong kasamahang manggagawang pangkultura. Si kaibigang Frank Rivera ang emsi, kasama ni Madam Cecile. Nandun din si Yuan Moro, na matagal ko nang hindi nakita. Moro na lang daw siya ngayon. Baka ayaw ng Yuan kasi currency yata yan, at hindi siya mukhang pera. Pormal ko ring nakilala si Mars Cavestany na naglalagi sa Australia. Matagal ko nang naririnig ang kanyang pangalan pero hindi ko pa na-meet. Kaibigan pala sila ni Rey Importante, na taga-Antique din. Nandun din si Rey, at siya pala ang supplier ng mga electrical equipment para sa mga teatro at music halls. Naka-chika ko din habang naghihintay ng simula ng programa si Carla Pambid, na Culture and Arts Officer ng Marikina City, at chika ever kami ni Paeng Pacheco, ang father of finger painting sa bansa. Inimbitahan pa kami sa studio niya sa Morong. Makapag-aral nga ng finger painting. Nandun din si Al Tesoro ng Capiz. Awardee din si Governor Tangco.
Pinakabatang awardee ang batang si Hamsa, 8 anyos lang, pero bongga nang pintor. Nakabenta na ng painting na 60,000 dollars sa auction sa Hongkong. Naluha-luha ang lola niyo habang inaaward siya.
Nagutom ako sa awarding na yun dahil wiz breakfast pa ang lola niyo, napakatagal ng awarding, at hindi rin ako nakakain kahit may lafu pagkatapos. Kasi nga nakipagsosyalan pa sa mga ka-chika ni Inday Sally. Ang ending, marami kaming iimbitahan para sa Binirayan 2009 sa Abril. Life talaga.
From there, tuloy kami sa Clamshell 1 sa Intramuros at dun na nag-lunch. Mapilit kasi si Mars e. Nagkita kami ni Joey Nombres dun. From Clamshell 1, sumirit kami sa UP Diliman for another meeting. Busy talaga noh. Dun kami sa Chocolate Kisses nagkape kasama ni Alan Cabalfin. Later, nagshow-up si Christine Muyco, nagbeso-beso lang kami sa Art Circle Gallery dahil hinahabol pa niyang magsumite ng grades niya. At habang naghihintay ng taxi, swerte namang bumaba si Margot Viola ng jeep. Kaya nagyakapan kaming dalawang maglola. Kay tagal na nga since Teatro Metropolitano days pa, nung ginagawa naming tambayan ang bahay nila ni Heber Bartolome sa Cubao.
Nung gabi na, nagwokawoka kami sa Malate, at nakasalubong namin sina Roel Hoang Manipon at Rey Napenas. Small world talaga. Pupunta si Roel sa Antique para sa Binirayan. Nangako siya. Masayang makitang muli ang mga kaibigan. Matagal mang nawala, dalisay pa rin ang mga yakapan at kamustahan. Sadyang ganyan ang mga totong kaibigan. Nakalimutan ko palang sabihing bago kami gumala sa Malate, nag-chat pa kami nina Ritchie Pagunsan at Peter Solis Nery na parehong nasa US.
Natapos ang araw na ito sa panonood ng concert ni Bamboo sa Roxas Boulevard. Masaya ang araw na ito. Mag-aalas tres na ng umaga nang dalawin ako ng antok.
http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179
Saturday, March 28, 2009
Malacanang to Malate
Labels:
Bamboo,
Cecile Guidote Alvarez,
Frank Rivera,
Governor Sally Perez,
Malacanang,
Malate,
Mars Cavestany,
NCCA,
OKM Awards
Wednesday, March 11, 2009
Crazy Sked: First Quarter 2009
Lokis-lokis talaga ang sked ko since January. Nagsimula ang lahat sa mga marathon meetings sa Cebu para sa katatapos lang na One Visayas Arts Fair sa Cebu International Convention Center noong Marso 1-8. Tatlong beses akong fly sa Cebu, dalawang beses tumawid ng dagat to Bacolod for these meetings. Pero feel ko na rin dahil may I visit sa Aviary ang lola niyo, at magaling magmasahe si Owl at Eagle. Friendly din ang mga taga-Bacolod kaya hapi si iyay.
Enter pa itong February Arts Month. Dalawang exhibits pa ang ginawa namin - yung traveling exhibit on Evelio B. Javier, at yung tribute kay Edsel H. Moscoso. Kaloka talaga. Buti na lang yung meeting sa Bacolod, kasama na ang hiram ng paintings kay Donya Lyn Gamboa. May limang sketches pala ang manding niyo ng Mosocoso, kasama na ang portrait ng anak niyang si Toto Jack. Dati palang tambayan ni Edsel ang Bacolod, mga circa 1975 yun, baka dun siya nakapagtinda ng maraming paintings sa mga rich and famous ng Sugarlandia. Anyways, ginawa namin itong dalawang exhibit kasabay ng rehearsals ng komedyang dinidirek ko para sa pasundayag ng Antique sa One Visayas. Mabuti na lang remount na lang itong komedya at mabilis pumik-ap ang mga artista, kahit medyo hindi kagalingan ng iba. Keri na rin. Magaling naman kasi ang bida kong si MacLaurence Saligumba. Komedya actor naman kasi sa barangay nila sa San Antonio, Barbaza.
Nagitigil ang rehearsal dahil attend pa ang byuti ko ng 2nd National Children's Museum Conference sa Talisay, Negros Occidental noong Feb 19-21. Bunga nito, pursigido na akong gawin ang aking Balay ni Datu Lubay bilang isang children's museum. Ewan ko lang kung paano ito maging interactive, dahil maliit lang ang space at lumang bahay na iyon, pero may paraan diyan, am sure. Maraming akong natutuhan sa conference na iyon, pero ang highlight ay ang dalawang eyeballs. Hahahaha. Charing lang. Ang highlight talaga ay iyung visit namin sa Sagay Children's Museum, at ang out-of-conference visit sa bahay ni Bambu Tonogbanua. Yes, the popular Christmas Village in Bacolod. Pero hindi lang pala Christmas Village ang pride na Bambu. Mistulang museum ang art gallery na rin ang place niya, sa dami ng art collections ng lola. Ang favorite ko dun ang mga woodcarvings na mega-folk art ang drama. Wish ko ding bumili noon, pramis ko pagbalik ko sa Bacolod ay para pumunta lang sa iskultor at bumili noon. Visit din pala kami sa The Ruins, pero yun lang yun. Bago kami umuwi, inikot muna kami ni Donya Lyn G. Bumisita kami sa Tana Dikang Museum sa Talisay, sa Shell Chapel sa Sta. Clara, San Sebastian Church, at Negros Showroom. Siempre pa may I buy kami ng mga kung anik-anik na pasalubong. Ang best buy ko yung mga ceramics na nakita namin along the road sa Talisay. Mga overruns yata yun. OA naman talaga ako pag nakakita ng bargain na mga ganyan. Naubos ang datung ko, buti na lang nanlibre si Lyn G sa isang Japanese resto for lunch, at hinatid pa ako sa pier.
Pagbalik ko sa Antique after the conference, tutok na naman sa One Visayas. Rehearse ng komedya, arrange ng mga flights ng mga superstar ng OKM, tickets ng mga artista, plano ng exhibit namin sa Antique Pavillion. Naisipan ko ba naman dalhin ang mural ni J. Elizalde Navarro na super laki naman, wala ka porter ang bumuhat sa pier sa Iloilo. Arts fair kasi iyon, at ayoko namang magdala ng tarpulin lang. Orig artworks ang dinala namin. Dalawang paintings pa ni Edsel Moscoso, magagandang patadyong, tatlong manekin ng komedya costume, at isang kimona patadyong ensemble, para ipakita din ang folk arts ng Antique.
Hindi naman nahuli ang Antique Pavilion, in fairness, pero winner sa One Visayas ang Capiz sa ganda ng kanilang pavillion at dami ng sinalian. Halos lahat ng araw may performances sila. Bongga talaga si mama Al Tesoro. Paano naman si Mar Roxas ang Guest of Honor sa opening no. Yung ibang pavilions nga lang, puro tourist destination at puro tarpulin ang display. Yung Negros naman, si Leandro Locsin ang kanilang centerpiece. Yung Bohol, may magandang diorama na ginawa daw ng mga fine arts students, bilang centerpiece, at super tarp ng mga old churches nila, winner na rin. Ang Cebu, napakaelegante ng pavillion, centerpiece ang sofa na kung hindi ako nagkamali ay Kenneth Cobonpue. Winner naman ang mga pinamili ko: mga colorful banig from Samar, baskets from Biliran, wood carving from Leyte, at shells. Lafu kami ng lafu ng barbeque with pinuso. Hindi ko na ikukuwento yung night out namin sa The Navigator. Boring yun. Bumili din ako ng mga Sto. Nino sa Basilica, at binigay sa staff ko.
Bongga talaga ang Cebu pag naghost ng event. Flowing ang wine and food galore sa mga pa-cocktails at dinner. Nakipag-chickahan pa ang lola niyo kay Gov. Gwen Garcia, na sobrang bait at maganda, super fairness. Hindi ko lang mahangpan kung bakit aliw na aliw ang mga Cebuano sa streetdancing. Gabi-gabi may streetdancing. Sa opening sobrang sandosenang streetdancing, na sa totoo lang, pagkatapos ng ikalima ay hikab nang hikab na aketch. Kung hindi lang nakaupo ako sa pinakaharap sa grandstand at makikita ni Governor ko kung umalis ako, ay naku. Buti na lang yung sa bandang dulo na performers magaganda. Winner para sa akin ang Pakol Festival ng Negros Oriental, yung saging motif. Second yung Palawod Festival, na tinalo ang Capiz sa pagka-seafood galore. Third na nga ang festival ng Siquijor na sobrang ganda sa visuals, pero kailangang pa ng konting tightening kung baga. Yun ay kung ako ang judge. Wala namang contest yun, inaliw ko lang ang sarili ko sa pagkunwaring judge daw kami ng mga friendships from Iloilo and Capiz.
Marso 5-6, iniwan ko muna ang Cebu at fly ako to Manila para sa Ambagan Wika conference sa UP Diliman. Bongga talaga sa UP dahil sa ordinaryong araw mo makasalubong mo ang mga artist at manunulat na mababasa mo lamang sa mga diyaryo, magasin, etc. Nagkakape kami ni kaibigang John Barrios at may I rampa na lang si Pandy Aviado. Umapir si kaibigang Vim Nadera na siya palang nagbigay ng pangalan ko sa komite kaya napasok ako sa kumperensiyang iyon. Nung araw na yun, halos lahat ng mga guro sa CAL ay nandun, yun pala nung hapon pagkatapos ng sesyon ay may book launching si Pambansang Alagad ng Sining Rio Alma at may parangal para sa kanya dahil magreretiro na siya bilang dekano ng CAL. Kaya nagkita-kita kami doon nina Frank Rivera at Art Cassanova, na parehong kaibigan ni Rio. Nakichika din sa amin ang makatang Teo Antonio. Nandun din si Bien Lumbera na isa pang Pambansang Alagad ng Sining. Binati ko si Nic Tiongson na dating boss sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, nakibeso kay Jing Hidalgo. Nasiplatan ko rin si Jimmy Abad. Pero hindi na ako tumagal para sa party ni Rio, dahil pagod na ako at may last-minute dagdag-bawas pang ginawa para sa papel na babasahin kinabukasan.
Kasama kong bumasa ng mga papel sa Ambagan-Wika sina Rober Anonuevo na nagsalita para sa Tagalog, John Barrios (Hiligaynon), Abdon Balde Jr. (Bicol) - kalog pala itong si Jun, masarap kakwentuhan, Albina Pecson Fernandez (Kapampangan). Ako naman para sa Kinaray-a. Yung iba hindi ko masyadong naalala ang mga pangalan, kasi hindi naman kami nagkaroon ng pagkakataong magkasabay sa coffeebreak o sa tanghalian. Pero maganda ang kumprensiyang iyon. Sana ay masundan pa, at bibilis ang pagyabong ng Filipino bilang pambansang wika.
Bago ako bumalik sa Cebu, dumaan ako ng NCCA at sa Silahis Gallery, at hindi ko napigilan ang sarili kong bumili ng lakub, mula sa Maranao. Matagal ko nang gustong magkaroon nito sa aking koleksiyon. Kaya bitbit ko pa ang dalawang putol ng kawayang may makulay na disenyo hanggang sa Cebu.
At yun po ang aking ulat, kung paano ako namuhay nitong first quarter. Hindi pa ito magtatapos. Siguradong mas marami akong gagawin sa susunod na buwan dahil Binirayan season na sa Antique. Kaya kung may dapat akong gawin para sa inyo at hindi ko pa nagawa, kayo na ang bahalang magpasensiya sa akin. Tatapusin ko pa ang powerpoint ko para bukas. Vavoo.

Winner lafu sa Tarlac City
Nasa Tarlac City ako ngayon, sa La Maja Rica Hotel. Bongga ang food dito. Katatapos lang naming kumain. Kung magawi kayo dito, try the kinilaw. It's a winner. Masarap din ang lengua, super tender, almost melt in your mouth, with generous slivers of sausage. Medyo bitin lang ang serving nito. Kung sa bagay, good for one lang siguro ang serving na yon, but we shared it. Apat pa naman kaming kumain. Isa pang inorder namin ay stuffed squid, na masarap din, pero hindi naman ako mahilig sa squid, unless it's home-cooked na super black pa with its tinta, adobo style. I also ordered Sisig Kapampangan, because it's the closest I could get to local cuisine here. But this one is your regular sisig. Jo ordered the paella, which is generous enough, hindi namin naubos. This is not authentic paella, pero keri na, with lots of sahog. Maganda din ang band na tumutugtog. At one poinSorrt, nagtatalo kami when I insisted na kaboses ng singer na girl si Astrud Gilberto. When we checked, CD na pala ang tumutugtog dahil natapos na ang first set ng band. Ganun ka close to the orig ang boses nila.
Ngayon, kung nagtataka kayo kung bakit ako narito, e I have been living in Cebu for a week, itanong niyo kay lola Jo Clemente. Aba, pinilit ba namang ako ang ispiker sa Cultural Resources and Heritage Management nila dito. Feel ko na rin. Bukas pa ang simula ng seminar na ito. Meanwhile, mega-surf na lang ako tonight, at wi-fi ever ang lahat ng rooms dito. In fairness, maganda itong hotel. Gusto ko ang name, at gwapo ang mga bellboy at waiters. Hmmm. Sori na lang at hindi ko nabringaling ang camera ko. These past weeks wiz na ako hilig mag-clik-clik, gaya ng dati. Ewan ko ba. Dami ko pa namang lamyerda these past weeks. Sa next item ko na lang ikukwento. Keri na kahit wiz fotos ha.

Subscribe to:
Posts (Atom)