http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Monday, May 11, 2009

New resto in San Jose

Last night wiz magawa ang mga beauty namin ni Weng, kaya pagkatapos ng rehearsal ko ng komedya sa plasa, napagtripan naming magdinner sa bagong bukas na Dah-bah Resto sa Gobierno Street. Curious lang kami kung ano ang mahihita namin sa resto na ito at kay tapang-tapang tumapat sa classy Piedra Restaurant, at tumabi sa isang chipangels na videokebar.

Sa pangalan pa lang na Dah-bah (ganyan po talaga ang ispeling), may ka-OAhan na ang restong ito. Plus the fact na more than one year in the making ito, gamit ng indigenous materials pa. Talagang pinagtiyagaan ang disenyo nito. Mga Hunyo last year pa sinimulan ang paggawa nito, pero May 8, 2009 na nang nagbukas. This better be good, sabi namin ni Weng. Sa signage pa lang ay talagang malaki ang investment ng may-ari dito. Kailangan ng dalawang kongketong poste na bricks-finished para kumarga sa napakalaking panaflex na hugis daba o isang malaking palayok. Obviously dito nanggaling ang maarteng pangalang Dah-bah.

Pagkapark pa lang namin ay binati na kami ng isang murat na nakahotpants, at munti ko nang mabangga ang isang malaking clock gawa sa chrome, na korteng manibela ng barko. Seaman ang may-ari? Zigzag shape pa ang pintuang gawa sa kahoy. Ang flooring ay hindi kawayan kundi spliced na puno ng isang klase ng bungang sa bundok lang nakukuha. Ang interior walls ay puro bagakay, at pati ang shade ng lights ay pinag-isipan ding gawa sa kawayan. Ang mga bar stools ay complementary din sa interior, puro hardwood ang tables. Kaya lang monoblock ang chairs. In fairness, kulay tan din to blend with the walls. Kailangan lang palitan ang Chinese-inspired frame na mukhang binili sa naglalako ng pahulogan on weekends. Am sure mas babagay ang mga framed na larawan ng mga prutas o kaya pagkaing Pinoy, o eksena sa baryo. Kung kayang bumili ng Amorsolo mas bongga, pero kahit imitation o print na lang.

May mga tatlong tables na okupado na, isang long table na parang family affair sa right side pagpasok, may isang group ng mga utaw led by isang chub na later nakasalubong ko from the restroom ay barangay kapitan pala ng Tigmamale. Chika naman kami ng lola. Sa kabilang side ay may dalawang mamang nakasando, at mukhang kilala pa ako nung isa, so may I smile naman aketch. Sa gitna na lang kami umupo ni Weng, kasama ang anak niyang si Miko. Yung isang waiter ay kilala pa ako dahil estudyante ko pala dati sa St. Anthony's College. Lumapit ang isang girl para ipakita ang menu, na sinulat sa dalawang pirasong bond paper. Handwritten talaga. Hind pa daw natapos ang kanilang menu list. OK.

So ask ako ng specialty of the house. Wisnowang pa yung waitress so may I ask pa sa kitchen. Crispy pata daw, sabi pagbalik niya. Tinginan na lang kami ng mahadera kong kasama. Di ba Crispy Pata naman ang specialty ng halos lahat na inuman? Mother, wiz yata resto ito. Beerhouse yata. So check uli sa menu. We settled for steamed tilapia, pinakbet. Pinalitan ko ang unang choice na sinagang na spare ribs to sotanghon guisado.

Yung sotanghon guisado malabsa, at lasang sesame oil; nahaluan pa ng luya. Aksidente lang siguro sa kitchen. Sinabi ko yun sa waiterlu, na dali-dali namang pumasok sa kitchen. OK lang, nakain ko na ang kalahati bago ko nakagat ang luya. I like luya naman, pero never sa sotanghon. Yung steamed tilapia is smothered with mayonnaise. Siguro sa Valderrama bongga ang mayonnaise. Pero tilapia ang gusto naming kainin hindi mayonnaise. Pinahiga pa ito sa bed of shredded repolyo kaya may ka-cheapan ang dating, plus sa melaware na pinggang puti. It didn't help at all. Ang medyo winner lang ang pinakbet na nakalagay sa buong kalabasa. Bongga naman ito. Hindi palayok kundi kalabasa. We hoped lang na masustain nila ang supply ng kalabasang may ganung size. Paano kung tag-ulan na at wala nang kalabasa sa San Remigio o Valderrama - the vegie baskets of Antique? Pero ang lasa ng pinakbet ay puro ginamos. Ang verdict: kariderya ang napasukan namin.

Rooms for improvement: kung seryosong wholesome, family place resto ang drama nitech, pakipalitan naman ang song selection sa napakaloud na speakers. Dambuhalang speakers pa ang ginamit, lola. May sound system din yata sala. Medyo maingay na disco tune ang tugtog kaya nagrequest kami ng mellow music. Aba, sinalang ba naman si Josh Groban na ngumangawngaw ng "To Where You Are." Feeling ko tuloy necrological service ang napuntahan. Suggest ko maghanap sila ng CD ng mga guitar Visayan folksongs, para babagay sa ambience. Yun ay kung totoong restoran ang gusto nila at hindi beerhouse. Kailangan ding i-train ang waiterlu na huwag ngumuya ng kung anu-anong pinulot sa kitchen habang nagsi-serve ng food. Buti na lang may kagwapuhan siya. Palitan din ng mas mamahaling ceiling fans. Yung mga plastic na made in China ay di na iikot pag-uminit na ang makina.

Plus points: Malinis ang CR, may lababo for hand-washing (kaya convinced akong resto talaga sila).

Ang ending, walang kwenta ang dinner namin. Buti na lang marami kaming topics for discussion ni Weng. At cheap lang ang dinner. May sukli pa ang 500 na binayad namin. Pinatake-out ko yung kalabasa.

2 comments:

a simple guy said...

I didn't notice twas in the making when i went home last march. i can't imagine that whole durulhugan will turn into some kind of west avenue or morato kaya lang baka puro karinderya hehehe.

Datu Lubay said...

i have a project now of making a historico-cultural trek from the EBJ Park to PC Beach. Piedra/
azurin house, baybay elem school, balay ni datu lubay, and the beach are the significant landmarks. we are in phase 1 now, funding from NCCA.