http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Tuesday, April 21, 2009

Mga kwento sa likod ng Mr. Antique 2009

Despite the incessant rain that night of the pageant on April 18, patuloy sa pagrampa ang 13 candidates ng Mr. Antique. Si Rihanna naman ang favorite ng mga judges dahil pinapayongan lang sila. Pero kahit si Governor Sally Perez ay tumigil hanggang natapos ang kalahati ng talent competition. Tuwang-tuwa siya sa mga ipinakita ng mga kandidato.

Pero as usual, dahil nga kontes ito at hindi natin hawak ang taste ng mga judges, marami ring tanong kung bakit si ganito ang nanalo at hindi si kuwan. Labas na kaming organizers diyan dahil wala naman kaming pinipili. Love namin lahat ng mga candidates dahil puro mabait at walang ni isang pasaway sa kanila. Unanimous kami sa pagsabing we had better candidates this year.

Pero ito ang aking opinyon: Hindi ko bet ang nanalo dahil may mali sa hugis ng ulo niya. Sa unang labas pa lang mukhang sea urchin ang ulo niya, nakakontak lens pa, at super eye-liner. I think may pustiso. Matangkad nga siya, maganda naman ang build, mukhang disiplinado, at nakatsamba siya sa Q&A. Sa totoo lang muntik na siyang hindi nakapasok sa top 5. Tie sila ng candidate number 6 (Ralph Flores) na matangkad din at maganda ang body proportion (skinny talaga ang in ngayon). Pero nang pinabreak ang tie, 4-2 ang vote ni number 13 (Manuel Jorilla). Mukha namang poised to win si 13 dahil kapanalo na ng isang pageant somewhere. Siya din uli ang piniling magrepresent ng Antique sa Mr. PYAP 2009 na gaganapin sa Antique National School sa April 24.

Yung first runner up naman na candidate number 10 (Charlie Balsomo) ay super face nga pero kulang sa height. Ang siste pa, ewan kung sino ang nagtrain sa kanya, napakarami niyang kakornihang ginawa sa stage. May pabow-bow pa, may paupo-upo, at ang hindi ma-take ng maraming bading sa crowd, may pasandok-sandok siya sa pool at binuhosan ang body niya. May ka-cheapan lang. Kung bakit siya ang nanalo, dahil short-listing ang proseso ng bawat judge (pinapili bawat judge ng 5 bet niya sa bawat category), at sa huli ay interview portion. Kung maganda-ganda lang ang sagot niya, at mas magaling ang pronunciation niya, siguro siya nga nagwagi.

Mas bet naming mga vading si Number 5 (Ralph Eduard Camaya). Naka-skinhead siya at malinis siyang tingnan. OK lang ang body proportion; hindi nga lang matangkad. Baka hindi lang siya masyadong napansin dahil wiz siya join sa talent competition, gayong dancer naman siya sa isang local group. Wagi siyang Mr. Photogenic at 2nd runner up, kaya dalawa ang tropeyo niya. Balanse na ang kanyang barbel dahil may kabigatan ang winning trofi na gawa ni Alan Cabalfin.

Maganda ang height at moreno si candidate 2 (June Dioso), na dating sumali na at nanalong 2nd runner up nung 2008. Mas gumanda pa nga ang katawan niya ngayon, altho mas kumapal ang balbon. Medyo may konting sira nga lang ang ngipin niya ngayon na pwede pang i-laser, kung seryoso siyang maging modelo. Pero baka nagsawa na rin ang judges sa kanya dahil recycled beauty siya, but the fact na nakapasok uli siya sa top 5 ay bongga na rin.

Si number 11 (McLaurence Saligumba) ang pinakadark horse, at kahit artista ko siya ay hindi ko inasahang pumasok siya sa top 5. Hapi na rin ako sa kanya. Kahit si Gov Perez ay napansin siya. Siguro bentaha talaga ang may alam sa teatro dahil marunong mag-cut ng space at magprojek. Yun nga lang 4th runner up lang siya dahil sadyang kulang sa height si Macmac. Cute lang talaga. At maputi siya. At medyo naglalenga filipina sa interview.

Isa pang bet ko pero hindi man lang pumasok sa top 5 ay si Marte Jun Granada. Batang-bata pa siya, pero supertalented. Siya naman ang napiling Mr. Binirayan o Best in Talent. Sing and dance ang bagets, at napaganda ng dimple. Gusto ko rin ang pagka-moreno niya, kaya lang baka batang-bata pa nga para manalo. Pwede pa siyang magpa-buff at sumali next year.

Sa talent department naman ay obvious namang winner si Marte. Yung iba naman nagpakita din ng galing; in fairness walang nakakahiya sa kanilang mga numbers. Kahit si Number 3 na nag-Ifugao costume at hindi nag-undie para mukhang authentic ay nagkaimpress ng mga matrona. Makinis naman ang behind niya. Yun lang, halatang isang bading na wiznowang sa totoong tribal dance ang nagkoryo. May mga movements pa siyang pambabae, at at headress ay halatang hiram sa Miss Gay. Pero seryoso naman si Ralph sa ginawa niya, at kahit nagpeek-a-boo daw ang notes ay keri pa rin. Hindi ko nakita yun, pero dalawang production assistants ang nagsabi na sight daw talaga nila ang pinakatago-tagong junior ni Raphy.

Magaling ding kumanta si Jeeven Casabuena (number 9 yata), pero talbog talaga ang sing and dance ni Marte. Hindi ko pa rin maisip kung bakit nag-tie pa sina Marte at Manuel sa Talent. Gayong original composition ang kay Marte at magaling ang execution, ang kay Manuel naman ay pang-videokeng rendition ng "One in a Million You."

As usual, in any talent competition may mga OA talaga. Katulad ng napakahabang dance ni Elvin (forgettable naman), at performance ni Jrnel (infairness marunong naman siyang mag-dance. Halata lang yung pilit na pa-Antiqueño flavor para punuan ang kakulangan ng skill at mastery.

All in all, successful naman ang Mr. Antique 2009. At palagay ko mas maraming sasali sa 2010. Wish naming organizers na makabuo ito ng magandang image at tangkilikin ng marami. Maganda ang sabi ni Gov Sally sa speech niya bago siya umiskyerda: Wish daw niya na ang mga kandidato ng Mr. Antique ay magsilbing magandang modelo sa mga kabataan, na pagsikapang gumaling ang talento, at hindi maging pasaway sa bayan. Sana nga.

Monday, April 20, 2009

Mr. Antique 2009 winners

Mr. Antique 2009 (L-R) McLaurence Saligumba (Barbaza) - 4th runner up, Charlie Balsomo (Belison) - 1st runner up, Manuel Jorilla (Hamtic) - MR. ANTIQUE 2009, Ralph Eduard Camaya (Lauaan) - 2nd runner up & Mr. Photogenic, June Dioso (San Jose) - 3rd runner up. MR. BINIRAYAN 2009 (Mr. Talent) is Marte June Granada, who sang and danced to his original composition.

Sunday, April 12, 2009

Binirayan 2009 opens today

Binirayan Festival 2009 opens today at 4:00 PM with a ritual ceremony at Malandog Historical Marker. The ritual is patterned after that for building a new house, modified partially for 30-minute program. The ceremony shall end with the performance of Tribu Salog of Malandog, followed by a motorcade to EBJ Freedom Park, where Governor Perez and Vice Governor Cadiao shall dedicate the newly built children's playground. The affair shall be children's party-themed, with clowns and magicians, ice cream, popcorn, balloons and lootbags for kids.

Guest of honor in today's ceremony is Mayor Jerry Treñas of Iloilo City, whose mother is from Bugasong, Antique. Kruhay!

Tayo na pa rin ba sa Antipolo?

29 Marso 2009.

Maaga pa akong umalis sa Malate nang linggong iyon. Maluwag pa ang LRT. Maluwag din ang MRT. Relatively walang tao sa Crossing, where I should take the ride to Antipolo. Napakatagal na noong last trip ko sa Antipolo. Nalulungkot nga ako, dahil dati pumupunta ako sa Antipolo para bisitahin ang love ko. Familiar ako sa eksenang ito.

Pero nitong trip ay iisa lang ang objective ko: mamili ng folk toys. Sabi kasi ni Mara Montelibano, sa Antipolo na lang ngayon makakabili ng mga tradisyunal na laruan. Naalala ko tuwing pupunta ako noon may mga taka, palayok, at nakabili pa ako nga ahas na gawa sa pinagdugtong-dugtong na kawayan.

Kay tagal mapuno ng van sa Crossing. Dadalawa pa lang ang pasahero nang sumakay ako. Nakaidlip pa yata ako. Pero mabilis din ang biyahe. Malawak na pala ang Ortigas Extension patungong Cainta. Ibang-iba na rin ang view. Hindi ko na halos nakilala ang De Castro at Junction. Pamilyar sa akin ang mga lugar na ito. Natira ako noon sa Cainta, sa Taytay, sa De Castro sa Pasig. Dahil sa love. Hay naku'ng love yun.

Long and winding road pala at uphill battle ang daan patungong Antipolo. Naalala ko na nga. Nagturo ako noon sa Assumption Antipolo, halos 20 years ago. May magandang park ng mga estatwa sa nagsasangang daan papasok sa bayan at papuntang Tanay, Rizal. Ibang-iba na rin ang J.P. Rizal St. na tinutumbok ang shrine ng Our Lady of Good Voyage. Naalala ko rin noon, pumunta kami ng ex ko sa simbahang ito para sa blessing ng brand new kotse ng ex niya. Hay, love talaga.

Napakaraming tao sa Antipolo. Pero puro kasuy lang ang tinda. Wiz ang mga toys na inaasahan ko. Puro mga balloons lang na made in China. May nagtitinda ng palayok na kinulayan ng orange, pero 150 pesos naman. Taray. Kala siguro ng tindera balikbayan ako na willing to pay an arm and a leg for a palayok. Di niya alam 20 pesos ang isang set niyan sa Bari, Sibalom. And I could paint it better pa. Binagtas ko ang Oliveros St. papuntang palengke. Walang mga laruan na hanap ko. Pinatulan ko na lang ang pekeng Barbie na dinamitan ng ginantsilyong gown. Kung dito ginantsilyo ito, bongga. Pero kung made in China din, ewan ko na lang kung ano ang future ng local toys industry. Nakabili na ako ng pekeng Barbie na may ginantsilyong damit sa Divisoria. Tatlo isandaan ang bentahan doon. Sa Antipolo 80 pesos na. Bumili na lang ako ng lalaking manika, para may Ken ang tatlong chipanggang Barbie ko.

Habang kinukulit ako ng isang baklita para bumili ng kasuy niya, nasalubong ko ang mamang may lakong daga na gawa sa foam at may rollers sa ilalim, may hinihilang sinulid para tumakbo-takbo ang foam rodent na may polkadots. Binili ko ang tatlo, at takang-taka ang vaklush kung bakit mas type ko ang mga daga kaysa kasuy niya. Nagpumilit pa rin siya. Pasalubong ko daw sa love ko. Wala akong love ngayon, sabi ko. E di sa family. Hindi nila type ang kasuy. Chos!

Nilapitan ako ng aleng bungal na nagtitinda ng balloons. Sir, bili niyo din ako ng balloon, sabi niya. Ay, di ko type ang balloon, say ko. E, bakit yung daga niya binili niyo? E kasi, ginawa lang niya, yung balloon mo made in China. Spongebob ba naman ang hugis ng balloon.

Pabalik na ako sa sakayan pabalik sa Megamall nang nadaan ako sa flowershop na may tindang maliliit na basket. Bumili ako ng isa, at may nakita pa akong takang kalabaw na mukhang pusa. Bagay ito sa daga. Baka daw sa Mayo pa may magtitinda ng mga taka. Galing pa ito ng Paete. Ok lang dahil nakabili na ako nito sa Paete. Yung isang nagtitinda ng mga plastik na laruan, di alam ang taka. Ano ba iyon, tanong niya. Tinitigan ko siya sa mata: Hindi ka tagarito, ano? Tagarito, pagsisinungaling niya. Hindi ako naniwala. Mas matanda pa siya sa akin. E bakit hindi mo alam ang taka? Saka niya inaming ang mister lang niya ang tagarito. Tanungin mo si mister mo mamaya, sabi ko. May tinda din siyang palayok, kaya binilhan ko na lang. Binigay niya ng 45 isang set. Kumuha ako ng orange.

Pagkatapos noon, sumakay na ako ng van. Masaya na rin ako sa pinimili ko, pero may halong lungkot dahil wala na ang ibang laruang gawa sa taka, sa kahoy, kawayan o lata. Wala na kahit turumpo. Wala na kahit tirador man lamang. At ang iba, ni hindi alam kung ano ang taka. Puro kasuy na lang at santong gawa sa resin ang tinda sa Antipolo. May isang tindera pa na pinipilit akong kahoy daw ang santo niya. tiningnan ko ang kamay, nakikita ko pa ang linya ng mold na ginamit. Sinungaling ka, sabi ko sabay pakyut.

Yung isang tindera naman, may papier mache na kasuy na display. Alam kong dekorasyon lang iyon sa mga kiosko nila. Pero dahil kitang-kitang interesado ako, sabi 400 daw ang isa. Mahal naman, sabi ko. E kasi sir, wala nang gumagawa niyan dito, patay na, sabi niya. Aba talagang wala, sabi ko, dahil sa Paete binibili iyan. Tig-25 pesos iyan sa shop ni Lino Dalay sa Paete, at di lang kasuy, may mangga, makopa, atis, kalabasa at kung anu-ano pa.

May sinulat akong tula noon tungkol sa Linggo sa Antipolo. Napablis sa Diyaryo Filipino, at muli sa Sunday Inquirer. Di ko lang makita ang kopya ko ng "Mga Kanta ni Datu Lubay" ngayon. Mas dumami lang ang tindera sa Antipolo ngayon, pero ganoon pa rin ang pakay ng mga pilgrims na pumupunta doon. Manalangin at bumili ng kasuy. Ako lang yata ang sumadya noong Linggong iyon para maghanap ng laruan.

Saturday, April 11, 2009

Joey Ayala at Binirayan 2009

Joey Ayala opens the three-day highlight of Binirayan 2009 on April 26. Joey Ayala comes to Antique with support from the National Commission for Culture and the Arts.