http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179

Friday, September 26, 2008

Kakatuwa ang jografi ng "Kahit isang saglit"

Lately, feel ko nang manood ng mga teleserye. Siguro pag matanda ka na, gusto mo na lang maupo sa gabi. Nagsimula ang pagkaaliw ko sa "Iisa pa lamang", hindi lang dahil kanta ng buhay ko yan, kundi dahil napagkagwapo ni Diether Ocampo. Gwapo din si Gabby, pero matanda na siya at bagay lang sa role niya. Pero, ang pagsabayin sila ni Diether, medyo pilit.

Anyway, bakit tayo napunta diyan? A, kung paano nga pala ako nahilig sa teleserye. Dati hindi mo ako mapilit manood niyan. Pero pag nakita mo si Claudine na nakalubog sa swimming pool with diamond jewelry, at may I comment si Angelica Panganiban a.k.a. Scarlet ng, "magsusuwiming ka lang, nakadiamond ka pa" at sasagot si Claudine ng "Siempre, because diamonds are forever, tulad ko." Hindi ba naman mapupukaw ang kabaklaan mo?

Kaya every night na akong nanonood ng teleserye ng ABS. kasi malabo ang GMA sa TV namin e. hehehe. Nung nag-start ang Dyosa, I had more reason to stay home in the evening after Deal or No deal. tuloy-tuloy na. Enter pa si Betty La Fea. So funny talaga. so babaw na me. At nang nagsimula na ang Kahit Isang Saglit ni Jericho, I advised Eduard not to call me until after 10.30 PM kasi busy na ako.

Kakatuwa din ang sense ng jografi ng Kahit isang saglit. Am sure aliw manood ng mga eksenang kinunan sa Malaysia, lalo pa at nag-open ang teleserye sa Citrawarna Malaysia parade sa Putra Jaya, at palaging nasa background ang Petronas Towers. Yun lang, akala ng mga gumagawa nito, wiznowang ang mga nanonood ng teleserye tungkol sa mga lugar sa Malaysia. May rendezvouz ba naman sina Rocky at Garrie sa bridge sa Putra Jaya, e napakalayo nito sa KL. Naglalakad lang si Garrie mula sa office nila, na mukhang malapit sa Petronas, yung tipong Makati ng KL, tapos maya-maya lang nasa Petaling Street na siya na siyang Chinatown street sa KL. Aba napakalayo lakarin nun. Tiyak nahabol na siya ng mga goons ng lola niya sa layo ng nilakad niya.

Kung sabagay, talagang magaling mag-promote ng Malaysia ang Malaysian partner ng ABS; may shoot pa nga sa Cameroon Highlands. Kaya exciting din makita kung paano ipupromote ng ABS ang Pilipinas. Sa mga trailers may eksena pa sa Banawe rice terraces. Sana naman magamit ng mabuti ang teleseryeng ito para maakit ang mga Malaysians na mamasyal din sa Pilipinas.

Kagabi maganda ang eksena. Sabi ng iskrip pupunta sa Pinas si Garrie; nakabook na sila ng mama niya sa eroplano. Pero para matakasan niya ang goons ng lola niyang pagkasama-samang umarte, magbarko na lang daw siya. Wala yatang barko from Western Malaysia to Philippines no?

Anyway, next scene na lang nasa pier na siya, at may bangka papuntang Pinas. Nasa Borneo/Sabah side na siya, na kung tingnan sa mapa e napakalayo from KL at may malawak na dagat na humihiwa ng West Malaysia at ng Sabah. So, sumakay na siya ng parang batel, yung tipong sasakyan mo from Caticlan to Boracay. Ganun nga siguro yon kalapit. May magandang vinta pa nga sa shot. Scenic talaga. At ilang oras na lang, dumaong na siya sa Pinas.

May katangahan din talaga si Garrie. May university degree pa naman at matagal na niyang pangarap ang pumunta sa Manila para hanapin ang papa niya. May mapa pa nga siyang tinatagu-tago sa bedside niya, tapos di pala niya pinag-aralan ang jografi nga Pinas. So, imbes sa Manila, sa Mindanao siya nakarating. Pero OK lang dahil may operation sina Rocky doon. Napakaswerte ni Garrie dahil dumating siya, nandoon sina Rocky pero may kabarilan na mga kalaban ng PDEA. Exciting ang barilan, in fairness. Naging suspect si Garrie ngayon dahil kasabayan niya sa boat si Governor na may koneksyon sa drug syndicate. In the end, maswerte talaga si Garrie dahil dadalhin siya ng PDEA sa Manila.

Pero cute si Jericho at may chemistry sila ni Carmen Soo. Kaya panonoorin ko pa rin itong teleseryeng ito. Kakainis lang ang akting ni Christopher de Leon. Noon pa nakakainis na yun, pero di ko ma-gets bakit marami silang eksena ng tumandang Isabel Rivas at Christine Reyes. At kagabi ko na-gets kung bakit hina-hype ng ABS ang suicide attempt ni Christine dahil sa lalaki kuno, yun pala nasa script ang maglasing siya dahil umiimbig kay Rocky. Ibang klase talaga kumonstrak ng ating pag-iisip ang media.

Hahaha.

Sunday, September 21, 2008

My doll collection


Check out my doll collection at my new blogsite monyekako.blogspot.com or just click the link somewhere in this page. I have posted some of the dolls in my collection (partial only), and will try to gather all the lovely things in a grand photo shoot, so you can see them. I am in need of another aparador to house them all.

Tuesday, September 16, 2008

Andut nagahibi ako kon maglantaw kang “Wowowee”

Ang gwapo-gwapo mo talaga Willie!

Singgit kang mal-am nga ungab,
Puti ang buhok sa tinuig nga panabon
Kang utang kag baraydan.
Ginbaligya na ang anang kaserola
Agud makapila kag makapasadya
Sa nagairigma nga may sarang
Magbutang kang bugas kag sardinas
Sa andang mga pinggan nga pingas.

Ay, pa-kiss naman Kuya Willie!

Pangabay ni misis nga bungisngis,
Nagaibok-ibok sa anang katambuk,
Nagaralabaw pa ang bulbol sa iruk.
Siyam ang andang kabataan,
Sara lang nakalapak sa eskwelahan
Kag ang iban mga klasmit na
Sa tambayan kag tong-itan.
Si mister nagapamasada lang
Pero indi bale, pabugal na pa
Basta kuno iririmaw sanda
Sa hirap at ginhawa.

Maraming salamat po Kuya Willie!

Matagsing ang limug kang bata
Sa anang kakunyag, hay may sanglibo
Tana nga manggad, para sa anang
Pagtambling kag pasikad-sikad,
Pagtindug sa anang mga palad.
Wara tana nagaeskwela
Hay ilo molo-molo sa pamilya
Gani sa una gid nga pamangkot:
“Kung kaldero ay pot,
Ano naman ang erpat?”
Wara na masabat, nagngisi-ngisi
Dara pangalot kang alap-apun
Na nga lubut.

Ang nakasabat nagatiyabaw,
Ang tanan nagahinugyaw
Nga daw mga kalag
Sa TV namun nga malus-aw,
Kag ako tana nagahiribiun
Samtang pirit nga nagakadlaw.