http://www.neobux.com/m/v/?rh=646174756C75626179
Showing posts with label pop culture. Show all posts
Showing posts with label pop culture. Show all posts

Wednesday, November 12, 2008

D'end na ang "Iisa pa lamang"

So kaka naman kasi kung kelan pa last week na ng melodramang "Iisa pa lamang" ng ABS-CBN, na swak na swak talaga sa lifestory ko (char!), saka naman nag-Muscovado at Adobo festival sa Silay City at nagpatawag ng writeshop si Gardy Labad sa Bohol. Kaya imbes na manood ako ng last week episode ay nakikidinner kami kay Tita Inday sa Sugarland Hotel (na masarap naman, at totoo po, wiz char!) sa Bacolod, o nakikichica kay Cecile Locsin Nava at nakikinig sa Humanities 101 lecture niya sa bahay niya (ipinagluto kasi kami ng masarap na pasta at salad, na chika niya'y ginamit niyang ingredients ang kung anik-anik lang ang na nakita niya sa ref niya kasi bumaha sa Bacolod that day na dumaan si Typhoon Quinta). Nang nasa Bohol naman kami'y nagpipreview ng dula ng isang theater collective sa Maribojoc at nagmimiting hanggang maduling sa antok at pagod. Bernadette talaga, dahil pagdating sa hotel namin, halos matatapos na ang "Kahit Isang Saglit."

Pero nung Byernes, last night na ng "Iisa pa lamang" sinadya kong umalis sa miting para abutan ang last episode ng melodrama ni Claudine Barreto. Iyun yung eksenang naghahanduraw na lang siya ng nakaraan, saka naman dumating si Rafael. Bumitiw pala si Rafael from being congressman at para mamuhay nang payapa, habang hinahanap si Catherine. Nang magkita na sila isang gabi ng kapaskuhan, ganito ang dayalog nila:

Rafael: Sa wakas, maligaya ako't nahanap din kita.
Catherine: Ako rin, nahanap ko na ang sarili ko.

O parang ganun. Ang nangyari pala, natsugi si Diether Ocampo/Miguel dahil nabaril nga ni Isadora, kaya siya ang naging donor ng puso ni Catherine. In short puso ni Miguel ang tumitibok sa ilalim ng voluptuous boobs ni Catherine. Ang ending, si Miguel at Rafael pala ang tuluyang magmamahalan. Cheng!

Subverted na kabadingan pala ang "Iisa pa lamang." Hindi natahimik itong mga taong naghahabulan at naghahanap ng kanilang puwang sa buhay at pag-ibig dahil hindi pala puso ni Catherine ang pinag-aagawan, naghahanap lang ng paraan kung paanong ang puso nina Miguel at Rafael ang mapag-isa. Diva?

May kumbensiyong ganito sa mga sinaunang epiko ng Panay. May mga karakter na hindi matsutsugi dahil ang kanilang mga puso'y nakatago sa kung saan-saan. Si Saragnayan itinago ang puso sa baboy damo. May isa din na itinago ang kasingkasing sa isang isda. Kailang mahanap muna ang baboy damo o isda bago masakop sila. Siyempre subliminal lahat ito. Kaya pala hindi magkatuloy-tuloyan sina Miguel at Catherine at Rafael at Catherine dahil hindi sila ang nasa equation (using their hearts as the variable x, of course!). Dahil Miguel = Rafael pala ang tamang equation. Jongga diva mga sisters?

Medium lang talaga si Catherine dito para maisakatuparan ang kabaklaang umiiral sa dalawang bidang lalaki. Kaya naman baklang-bakla ang postura ni Catherine sa bawat eksena. Alalahanin yung dayalog niya sa swimming pool habang naka-diamong necklace pa. At ang wardrobe niya throughout ay pangrampa talaga. Hitsura ng bading na kaka-out lang.

Kaek-ekan ko lang ang reading na itetch. Mas masaya kasi. Pero kung maging kumbensiyonal tayo sa pagbabasa, napaka-Katoliko ng moralidad na pinaiiral ng "Iisa pa lamang." Lahat ng mga tauhan ay simbolo ng mga karakter sa pasyon ni Hesus. Syempre si Catherine ang simbolo ng Birheng Maria/Katoliko, na kailangang tanggapin lahat ang sakripisyo dahil may kasulhayang naghihintay sa ending. At ang pangakong kasulhayan na katumbas ng salvation ay isang napakabait at gwapong lalaki - si Rafael/Gabby (na sa tunay na buhay ay napakaraming babae, diva?). Si Miguel ay si Hudas Escariote. Ipinagbili niya ang kanyang pagmamahal kay Catherine at ipinalit kay Scarlet, pero sa huli siya ay sising-sisi at kailangan niyang mamatay. Kinakatawan niya ang Hubris. Hindi siya maaring maging hero dito dahil isa siyang weakling, pushover, tinutulak-tulak ng kanyang madir na si Isadora. Si Isadora naman ang kumakatawan kay Satanas, ang archnemesis ng kabutihang kinakatawan ni Catherine. Kaya siya pinasabog, hindi na nakahintay na makarating sa mga kamay ng Hustisya, because she doesn't deserve it at all. Napakasama niya para hintayin pa ng hustisya. Si Scarlet/Angelica Panganiban naman si Magdalena. Maldita siya at masama, pero nagkaroon ng redemption dahil sa pagsisisi at pagbago ng landas.

Buti na lang at natapos na ito. Mababawasan ang kinababaliwan kong mga teleserye sa gabi. Kung bakit kasi isiningit pa ang Pinoy Fear Factor e. Sana "Kahit Isang Saglit" na pagkatapos ng "Betty La Fea," para mas maaga akong matutulog.

Tuesday, November 11, 2008

Pakwela ng "Dyosa"


Some weeks ago, sinikap kong sumulat ng isang nagkukunwaring seryosong essay tungkol sa fantaseryeng "Dyosa" ng ABS-CBN. Ang tesis kuning ay ang filipinisasyon ng mito ayon sa mga karakter dito. Kasi nga nandiyan si Sinukuan, Bernardo Carpio, Magayon, na mga karakter sa mitong Pampango at Bicol, pati ang pag-angkin ng mga karakter sa mitong Griyego, tulad nina Bacchus, Adonis, Diana, Mars, etc. Nag-imbento din ito ng mga bagong karakter tulad nina Amang Suga, Salaminsim, Barracuda, throw in Bruhita na minsan ay funny naman.

Hindi ko natapos ang essay na yon, dahil nga super naman sumingit ang ibang trabaho, pero OK na rin dahil nitong huli ay halatang chinuchurva na lang ng mga writers ang iskrip nito. Feel mo bang enter the dragon ang karakter ni PS o Pearly Shell na ginawa ng komedyanteng si Chockoleit. Cross-over ito mula sa mas naunang fantaseryeng "Marina" na hindi ko naman nasundan.

Sa episode ngayong linggo, kailangang buhayin muli ang nag-sleeping byuting si Barracuda/Kulas na under the spell ni Diana. Ang tanging nakakaalam ng solusyon, ayon kay Tandang Menela, ang pinakagurang na kataw o sirena, ay si PS na nakatira sa Atlantis. Kakatuwa ang pag-uusap nitong mga karakters sa ilalim ng dagat dahil ang communication nila ay sa pamagitan ng mind-reading. Hindi bumubuka ang kanilang mga labi (syempre dahil malulunod sila), kundi naririnig lang natin ang kanilang mga thoughts. Sana nilagyan na lang nila ng clouds angay sa komiks; komiks naman ang materyal nila, kundi may inter-media pa.

Anyways, kagabi si Mars ang nagvolunteer na humanap kay PS. Bakit kaya nakashorts pa si Zanjoe? Bakit di nalang nakatrunks? Ang pangit yata tingnan ang maluwag na shorts na lumulutang-lutang. Pula pa, parang ang cheap tingnan. Alam mo yong pumunta sa swimming party na walang dalang proper attire kaya napilitang mag-rent dun sa resort? Parang ganun si Zanjoe Marudo sa episode na ito. May kulintas pa siyang mga sigay, kaya para siyang sasayaw ng Pearly Shells. Pero yung sigay necklace pala ay GPRS at camera para makikita ng mga kataw ang eksena nila ni PS.

Itong si PS daw ang pinakamatalinong nilalang sa balat ng kamatis at alam niya ang kasagutan sa lahat ng tanong. Kaya lang may ex-deal palagi, at minsan ay buhay ang katumbas. O, exciting di ba. So, nang magkita sila ni Mars, e syempre, kinilig ang baklitang PS sa kamachohan ni Zanjoe. Ang kapalit sa sagot ay isang halik, na naging dalawa pa. Matanggap mo bang kahalikan ni Zanjoe si Chockoleit? Di ba dapat ako yun? So, nalusotan ni Zanjoe ang hamon dahil nakapikit ang kilig na kilig na PS na wisnowang na kalansay pala ang kahalikan niya. May word of honor naman ang syoke, at ang magic words daw para mabuhay muli sa Baraccuda ay: "Mini-mini my ni Moe." Syeeeet!

Samantala si Adonis naman ay im na im dahil hindi siya makapunta sa ilalim ng dagat. Weakness kasi ng Kasamiang ito ang waterlily. Nagpagawa siya ng orasyon sa aliping si Bruhita, at at orasyon ay: "Minikaniko ni Monico ang minica ni Monica." Syeeet na malagkit. E siyempre bulol si Sam Milby kaya di niya keri.

By now, knows na natin na pinaglalaruan na lang ng writers ang "Dyosa" para mapalawid ito. wala nang nangyayari kundi mga kalokohan ng karakters. Ito ay para mabibili pa ang mga merchandise ng Dyosa na kalalabas lang sa merkado. Nagdalawang isip akong bumili ng dolls ng Dyosa Cielo at Dyosa Agua noong nasa Bacolod ako. Mukhang cheap material kasi ang ginagamit, hindi Mattel. At gusto ko pati Dyosa Tierra ay kasama. Pag-iisipan ko pang mabuti kung babagay ba ang mga manikang ito sa koleksyon ni Datu Lubay.

Meanwhile, nag-eenjoy pa rin akong manood ng pakwela ng "Dyosa."

Wednesday, October 22, 2008

Anti-hero at komersiyalismo

Mukhang masyado nang kumplikado ang plot ng "Kahit Isang Saglit." Wala nang patutunguhan. Nalaman na natin na si Eunice pala ay ni-rape ni Anthony Mondragon, kaya junanak pala ni Anthony si Garrie.

Nalaman na ni Rocky na tatay ni Garrie ang lalaking nagpapanggap na Mr. Mendes. Alam na rin nating si Gen. Anthony Mondragon ang suporter ng drug syndicate, pero nangingibabaw pa rin ang respeto ni Rocky sa ninong niya.

Para matanggal ang duda ni Rocky sa tatay ng love niya, sinugo ni Ronaldo/Amihan si Mrs. Barbara Reyes na ituro ang libingan ng taong pumatay sa ama ni Rocky. (Ayan simula nang pumapasok ang mga minor karakter na napakasignificant pala ng kanilang mga aksiyon sa twist ng kwento; dito na tayo magsimulang magduda sa mga padihot ng iskrip.) Siyempre super emote si Rocky in front of the grave, at may I paputok pa siya ng baril to dramatize the buhos ng kanyang galit at emosyon. Syempre binanggit niya ang revelationg ito ni Barbara sa ninong niya, at syempre nagtaka naman si General kung anong kaetchosan ito dahil knows niya ang truth kung sinong pumatay sa fadir ni Rocky. Kaya sinugod naman niya si Barbara.

Meanwhile, pauwi na sa Malaysia sina Garrie at Ronaldo, at mamamatay na yata ang madir ng bidang girl. Syempre malaman ito ni General Mondragon at may I book siya ng tiket to Malaysia. Doon na kaya magkukrus ang landas nila ng kanyang arch nemesis na si Ronaldo Dimaandal?

Ibig sabihin nito ay mga scenic spots na naman ng Malaysia ang aasahang makita natin sa mga susunod na kabanata.

At ibig sabihin nito, ang tunay na conflict pala ay between Ronaldo Dimaandal at Anthony Mondragon na minsang nag-agawan sa pagmamahal ni Eunice. Sana man lang mas magandang aktres and pinili para gumanap sa kanya :-(

Ang kwento ni Rocky na isang kwentong paghahanap ng katotohanan (ang pumatay sa kanyang mga magulang) ang motif ay ginamit lamang para bumukas sa tunay na conflict. At syempre ang tunay na bida rito ay ang anti-hero na si Anthony Mondragon. Oo naman, kasi napakamajor aktors nina Christopher de Leon at Albert Martinez kung ikumpara kay Echo. Bottomline, ang tambalang Echo at Carmen Soo ay ginamit lamang para may marketing edge dahil mas bata sila. Hindi pa rin nakaligtas ang "Kahit Isang Saglit" sa komersiyalismo ng ABS-CBN.

Speaking of komersiyalismo, nakikita ba ninyo kung paano ginagamit an ABS-CBN ang mga teleserye para pasayahin ang kanilang mga sponsor? Tingnan ang bawat labas ng Biolink VCO lotion na ini-endorse ni Anne Curtis sa "Dyosa", at ang 4G, isang health and beauty product, na ini-endorse naman ni Bea Alonzo sa "I love Betty La Fea."

Minsang nakaupo si Josephine sa park at nagmumuni-muni sa mga pangyayari sa buhay niya, dumaan naman at tumigil sa likuran niya ang van na may ad ng Biolink, at for a moment, may bakground siya ng produktong ibinibenta niya. Dalawang beses na ring ipinakita na ginamit niya ang produkto - una, pagkatapos niyang maghugas ng mga pinggan, at pangalawa bilang intermission number niya sa trabaho sa opisina. Biglang dumaan ang bossing na si Maricar de Mesa na may kasamang tatlong kliyenteng lalaki, at napatigil sila dahil naamoy nila ang bango ng lotion ni Josephine. Hahahaha.

Sa 4G naman ay walang kawala ang iskrip dahil nga ad agency ang milieu ni Betty La Fea. Kliyente ng Ecomoda ang kumpanyang gumagawa ng 4G. Kaya magsu-shoot sila ng ad kasama si Bea Alonzo. At si Betty mismo ay umiinom ng 4G bago matulog. Ilang segundo ring babad na babad ang sample ng produkto, kung hindi pa ito overkill.

Kaya minsan halatang pinaglalaruan na lang ng production team ang mga teleserye, dahil siguro sa kawalan na ng materyal at kailangan pang pahabain ito. By now, wala nang magandang nangyayari sa "Dyosa" kundi maglaro ng lokohan ang mga bida. Pati skrip yata ay kanya-kanyang adlib na at pakwela.

Ang buong tema ng "Betty La Fea" ay tungkol sa komersiyalismo mismo: ang pagkahilig ni Betty sa ukay-ukay, ang trabaho sa ad agency, ang karakter ni Ruffa Guttierez, at ang challenge kay Armando for net profit of 150 million para manatili siyang presidente ng Ecomoda ay puro palatandaan ng komersiyalismo.

Monday, October 13, 2008

Mahal kita, mahal mo siya

Ito pala ang leit motif ng "Kahit Isang Saglit" ng ABS-CBN. Ang lahat ng major karakter ay nagmamahal pero hindi bumabalik ang pagmamahal sa kanila, kaya ang pinaka-dillema ng telenovelang ito ay "may pupuntahan kaya itong pagmamahalan nina Rocky at Garrie?"

Kasi ganito: Si Anthony Mondragon (Boyet de Leon) ay nagmahal kay Eunice Hangli (Malaysian actress na hindi ko matandaan ang name), pero ang mahal ni Eunice at nakatuloyan ay si Rolando Dimaandal/Amihan (Albert Martinez). Anak nila si Garrie (Carmen Soo).

Ang asawa ni Gen. Mondragon (Isabel Rivas, di ko matandaan ang name ng karakter niya), ay nagmamahal sa kanya ng todo-todo, pero di feel ni Boyet dahil forever siyang umiibig kay Eunice. Ngayon ang kanilang anak na si Alona (Christine Reyes) ay head over heels tinamaan kay Rocky. Poor girl, kapatid lang ang turing sa kanya ng hunk na ito, dahil ang supermegafirstlove niya ay si Garrie.

Malupit din mag-isip ng komplikadong plot ang mga writers, devah. Kaya exciting at gabi-gabi akong nanonood. To make matters really convoluted, si Rocky ay isang PDEA agent dahil gusto niyang bigyan ng katuturan ang kamatayan ng fadir niya (Noni Buencamino) na isang pulis, napatay dahil sa pagtutugis ng mga druglords. Ngayon may lead siya para madakip ang bigtime drug syndicate, na kinasasangkotan naman ni Amihan na fadir ng kanyang pinakamamahal.

In tonight's episode, ipakikila ni Garrie si Rocky sa kanyang amay. Mikikilala kaya ni Rocky ang tinutugis niyang kriminal, dahil nagpa-aesthetic surgery na ito, natanggal na ang balat sa mukha? Ano ang gagawin ni Rocky kung malaman niyang ang taong tinutugis niya ay beloved amay pala ng babaeng palangga niya to death? O devah, exciting?

Paanong di ka meexcite, e in last nights episode, pinilit ni Boyet de Leon na ninong ni Rocky - si Jericho pala ito, in case di niyo pa nasundan - si Jericho na huwag na muling saktan si Alona pagkatapos nitong lumaklak ng mga pills. Torn na torn si Echo dahil naging pamilya ni niya sina Boyet mula nang naulila siya. Pipiliin ba niya ang pamilya over pag-ibig?

Kaya mas gusto ko itong "Kahit Isang Saglit" dahil mas matalino naman ang pagkasulat at exciting ang mga karakters. At pakyut ng pakyut si Echo at si Carmen Soo. Sana ginawa na lang nilang pelikula ito, para dalawang oras lang.

Di katulad ng "Iisa pa Lamang" na lahat na yata ng sangkap para sa melodrama ay isinahog na. Kakaiba din ang charm nito para sa akin. Megawatch din ako, pero I don't mind standing up to make me a cup of tea habang nagdadayalog si Scarlet at Catherine. Ang problema naman naman sa "Iisa pa Lamang" ay lahat ng karakter may lihim at lahat gustong may sikreto; lahat ng karakter gustong maghiganti. Lahat nang karakter ay over-dressed. Well, ang dalawang bidang babae at mga staff ni congressman Rafael Torralba na lahat naka-coat and tie sa opisina. At ano naman itong headress nina Scarlet at Catherine? Buti na lang wala nang kapa si Laurice Guillen. Si Cherry Pie Picache naman, dinadaan na lang sa galing umarte at hindi sa damit. Si Melissa Ricks, napakaganda ng mukha pero kala mo naman si anhing Julie Vega kung umemote.At ang guwapo ni Matt Evans dito, buti na lang pingupit ang Afro niyang buhok.

Charisse Pimpengco, world class Pinoy (nga ba?)

Am sure proud tayong lahat kay Charisse Pimpengco, at saludo tayo sa galing niyang kumanta. Recently ay kasali uli siya sa concert na kasama si Rod Stewart at maraming big names sa global music industry, sa isang kaek-ekang nagtitipon ang halos lahat nga ating hinahangaan. Naki-sing-along na siya kay Celine Dione at Andrea Boccelli, nag-guest kay Oprah, at siya ang biggest singing sensation from the great Pinoy republic ngayon. Bow!

Kaya lang, sana naman kung sino man ang handler niya, o adviser kaya, sana gamitin niya ang mga okasyong ito para makakanta rin ng Filipino song, nang marinig naman ng madlang pipol all over the world kung ano ang musikang Pinoy, kulturang Pinoy. Kasi, as it is, puro na lang kanta ni Celine o Mariah ang kinakanta niya, na napakagaling nga naman, at mangiyak-ngiyak ako kung mapanood siya sa TV (O baka kaya ako naiiyak dahil sayang ang pagkakataon). Ang ending, napakagaling niyang copycat. Ayaw naman nating makilalang world-class na copycat, devah. Mas may kabuluhang ipagmamalaki ang suportahan natin si Charisse kung dinadala din niya ang sariling atin to the world. Yan ang truliling essence ng being a world-class Pinoy performer.

Mabuhay!